Sunday, May 20, 2012

Gabuco, nagmina ng ginto sa Tsina

Ipinakita ni Gabuco ang kanyang gintong
medalyang napanalunan sa AIBA Women's
World Championships sa China.

Ipinakita ni Josie Gabuco na hindi na kailangang magmina sa Palawan upang magka-ginto tulad ng gusto ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) chair Manny Pangilinan.

Mag-uuwi ang tubong Puerto Princesa ng ginto medalya makaraaang malusutan ang Tsinong kalaban sa AIBA Women's World Championships finals na ginanap sa Olympics Sports Center sa Qinhungdao, China.

Tulad hirap sa pagmimina, pinagtrabahuhan nang husto ni Gabuco ang iuuwing ginto sa loob ng apat na rounds bago naitala ang 10-9 na panalo laban kay Xu Shiqi.


Naghabol pa si Gabuco upang mapanalunan ang gintong medalya makaraang madomina ni Xu ang naunang tatlong rounds, 1-2, 3-5 at 7-8, ayon sa isang press release ng ABAP nitong Linggo.

"Tila libo-libo ang kalaban ko (It was like fighting thousands of opponents)", wika ng 25 anyos na single mother ng isang limang taong gulang na lalaki.  "Naapektuhan ako ng miron sa simula kaya ang ingat ng laro ko laban sa kalabang napakaliksi."

Ayon sa ABAP press release, may ilang pagkakataon pang tila ni-wrestling ng Tsino si Gabuco at saka ibinabalibag sa canvass.

Hindi ito nakaligtas sa babaeng Hungarian referee at binigyan ng warning si Xu sa third round.


Nagkaroon ng pagkakataon si Gabuco na makabawi makaraang umayos ang laro ng Tsino. Nakakonekta si Gabuco sa ulo at ilang uppercuts sa tagiliran ni Xu.

Sa fourth set, hindi na tinantanan ni Gabuco si Xu at nagtapos na malakas upang tuluyang makabawi sa madikitang laban at ibulsa ng tuluyan ang gintong medalya.


No comments: