Iyakan blues sa balkonahe ng Korte Suprema. |
Ito ang ilan sa mga ibinibintang sa napatalsik na punong mahistrado ng korte suprema na si Renato Corona.
Ilang beses din kasing nagdrama itong si Corona mula noong ma-impeach.
May paiyak-iyak siya sa balkonahe ng Korte Suprema kasama ang kanyang asawa na nagpupunas sa kanyang mga luha.
Iyakan blues sa Senado |
Puwede nga siyang bigyan ng best actor award sa Coronavela series.
Pero malamang kahapon, kung drama man ang mga naunang pag-iyak ng dating punong mahistrado, ay totoong-totoo ang kanyang pagpalahaw.
Ang pakiramdam siguro ng punong mahistrado ay sinakluban na siya ng kalangitan at natabunan ng milyon-milyong dolyares.
Bakit naman hindi mapapalahaw ang napalayas na punong hukom?
Malamang naiisip niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak.
Dahil nadawit sa kaso ang mga anak ni Corona, malamang makasama pa sila sa mga iimbestigahan at tutugisin upang mabatid kung saan nagmula ang yaman ni Corona.
Hindi ako relihiyoso, pero naalala ko ang nasusulat sa 1Timothy 6:10, na "Ang pagmamahal sa pera ang ugat ng kasamaan at dahilan ng maraming kapighatian."
Tama ba Sen. Manny Villar? Mabuting tao si Renato, nagmahal lang talaga siya ng sobra sa pera, kay GMA at sa asawa nitong si Atty. Mike Arroyo.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com