"Ticket vending machine does not accept coins 2010 and 2011 series."
Ito ang dahilan kung bakit ang napakahaba ng pila sa Metro Rail Transit 2 (MRT2) na bumibiyahe mula sa Recto hanggang Santolan.
Hindi naman ako araw-araw sumasakay sa MRT2. Pero kada sasakay ako ay hindi nawawala ang problema ito.
Noong itinayo ang MRT2, nagtiis ang karamihan sa mga taga Metro Manila dahil sa trapik na idinulot nito.
Pero ngayong operational na ito. Nagtitiis pa rin ang sumasakay dito dahil sa haba ng pila upang makakuha ng magnetic ticket.
Tama ba 'yan?
Nakakapagtaka naman kasi ang ginagamit na vending machine ng MRT2, tila napakahirap nitong i-program dahil taon na ang binilang ng problema ito hindi pa rin narersolba.
Hindi rin nagsasalita ang management ng MRT2 kugn kailan ito matatapos. Tila hindi lang sila naging bulag sa haba ng pila ng mga pasahero kungdi naging pipi na rin.
Papalapit na ang pagbubukas ng klase at sa dami ng gumagamit ng MRT2 upang bumiyahe papuntang University Belt, hindi lang dodoble ang bilang ng pasahero ng naturang rail system.
At malamang dodoble rin ang pila.
Sana naman ay hindi maging bingi ang MRT management sa hinaing ng mga pasahero.
Ito ang dahilan kung bakit ang napakahaba ng pila sa Metro Rail Transit 2 (MRT2) na bumibiyahe mula sa Recto hanggang Santolan.
Hindi naman ako araw-araw sumasakay sa MRT2. Pero kada sasakay ako ay hindi nawawala ang problema ito.
Noong itinayo ang MRT2, nagtiis ang karamihan sa mga taga Metro Manila dahil sa trapik na idinulot nito.
Pero ngayong operational na ito. Nagtitiis pa rin ang sumasakay dito dahil sa haba ng pila upang makakuha ng magnetic ticket.
Tama ba 'yan?
Nakakapagtaka naman kasi ang ginagamit na vending machine ng MRT2, tila napakahirap nitong i-program dahil taon na ang binilang ng problema ito hindi pa rin narersolba.
Pahaba ng pahaba ang pila ng MRT habang tila naging pipi at bulag ang management ng nasabing rail system. Sana hindi rin sila bingi. |
Papalapit na ang pagbubukas ng klase at sa dami ng gumagamit ng MRT2 upang bumiyahe papuntang University Belt, hindi lang dodoble ang bilang ng pasahero ng naturang rail system.
At malamang dodoble rin ang pila.
Sana naman ay hindi maging bingi ang MRT management sa hinaing ng mga pasahero.
No comments:
Post a Comment