Mula sa New York Times ang larawan |
Ang Tour de France ang pinakamahirap pero pinakaprestihiyoso sa tinatawag na Grand Tours. Kasama sa Grand Tours ang Giro d'Italia (Tour of Italy) at Vuelta a Espana (Tour of Spain). Kung sa Tennis ay may Grandslam, sa golf ay may Majors, sa cycling ay may Grand Tours.
Bradley Wiggins |
Iniisip ko kasing kung may isang bansa sa buong mundo na dapat ay nakapag-produce ng isang Tour champion ito ay dapat ang Englatera.
Bakit?
Una, hindi hamak na napakatandang bansa ng UK. Minsang ngang tinawag itong "the Empire on which the sun never set". May pagkagahaman din naman kasi itong Englatera, sinakop nito ang mga lupain mula Africa hanggang Asya. Hindi ba't kailan lang napasakamay ng mga Instik ang Hong Kong, na dating pinapangasiwaan ng mga English.
Dahil sa lawak ng kaalaman ng mga English, lalo na sa teknolohiya, nakakapagtaka na hindi nila kaagad napagwagian ang Tour.
Ikalawa, adventurous ang mga English. Kaya nga nila nasakop ang kalahati ng mundo eh. Handa silang pumalaot, pumatay at manakop.
Isa siguro sa mga obvious na dahilan ay French ang nagpasikat ng Tour. Alam naman nating may hidwaan ang magkatabing bansang France at England.
Pero may nasilip akong liwanag sa panalo ni Wiggins. Kung ang isang bansa o empire na ilang daan taong ng nakatayo ay ngayon pa lamang magwawagi sa Tour, hindi malayo na isang araw ay isang Pilipino ang magwawagi rito.
Ilang taon pa lamang naman ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Kaya hindi rin ako magtataka na ilang taon pa ay may Olympic medalist na ang bansa.
Siyempre ito ay kung may magtitiyagang mga Pilipino na itataya ang buhay nila sa pagwawagi ng medalya.
Ito kasi ang ginawa ni Wiggins at karamihan sa mga Olympic champions. Yes, Olympic champ si Wiggins at magtatangka siyang muling magwagi ng medalya sa darating na London Olympics.
Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Wala lang.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com