
Base sa pananaliksik, halos katapat na ng paninigarilyo ang sakit na dumadapo sa milyon-milyong tao sa mundo dahil sa sobrang pagtambay.
Ito yong pagtambay na tipong nakaupo lang, nanonood ng telebisyon o kaya'y sobrang tagal ng pag-upo. Kasama rin siyempre rito ang tagal ng pag-upo dahil nakababad sa harapan ng computer at nagla-like sa mga Facebook status.

Sinabi ng mga dalubhasa na ang katawan ng tao ay nag-evolve na kailangang "nahihirapan" o kaya'y pinapawisan.
Sa isa pang pananaliksik, nabanggit na mas mahaba ang buhay ng mga kundoktor kaysa sa mga driver.
Simple lang ang dahilan, ang mga driver kasi ay nakaupo lamang halos maghapon kumpara sa mga kundoktor na halos nakatayo at palakad-lakad sa loob at labas ng bus.
Kaya sa mga tambay, tumambay na nakatayo at hindi lamang naka-upo. At tandaan, nakakamatay ang pagtambay.
Wala lang.
No comments:
Post a Comment