Wednesday, July 18, 2012

Sobrang pagtambay, nakamamatay

Ayon sa isang research na inilathala ng The Lancet, na itinayming sa 2012 Olympcs na gaganapin sa London, lumalaki ang bilang ng mga namamatay sa buong mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Base sa pananaliksik, halos katapat na ng paninigarilyo ang sakit na dumadapo sa milyon-milyong tao sa mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Ito yong pagtambay na  tipong nakaupo lang, nanonood ng telebisyon o kaya'y sobrang tagal ng pag-upo. Kasama rin siyempre rito ang tagal ng pag-upo dahil nakababad sa harapan ng computer at nagla-like sa mga Facebook status.


Kasama rin dito iyong mga trabahong kinakailangang maupo ka ng sobrang tagal tulad sa mga call centers.

Sinabi ng mga dalubhasa na ang katawan ng tao ay nag-evolve na kailangang "nahihirapan" o kaya'y pinapawisan.

Sa isa pang pananaliksik, nabanggit na mas mahaba ang buhay ng mga kundoktor kaysa sa mga driver.

Simple lang ang dahilan, ang mga driver kasi ay nakaupo lamang halos maghapon kumpara sa mga kundoktor na halos nakatayo at palakad-lakad sa loob at labas ng bus.

Kaya sa mga tambay, tumambay na nakatayo at hindi lamang naka-upo. At tandaan, nakakamatay ang pagtambay.

Wala lang.







No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com