Sunday, September 9, 2012

1081

Ngayong Setyembre, may lotto tip ako sa inyo. Tayaan ninyo ang mga numerong 10, 8 at 1. Puwede itong tayaan sa EZ2 o kaya ay sa Swertres.

Malay ninyo, sa mga numerong ito ay inyong matikman ang swerteng matagal nang inaasam-asam at kahit paano ay mabawasan ang malas na hatid ng Proclamation 1081 ni Ferdinand Marcos, ang human right violator at dating pangulo ng bansa.

Sa Setyembre 21 kasi ay gugunitain ang mapait na deklarasyon ng Batas Militar. Ito ang ika-40 taon mula nang isailalim ni "Manong" ang Martial Law, na nagpasimula ng kanyang mahigit na 20 taong pananatili sa Malakanyang.

Tumpak ang sinabi ng mga historians, hindi lahat ay nagtatagal. Sino nga ba ang makapagsasabi na babagsak ang conjugal dictatorship ni FM at FL, nawalang iba kung si First Lady Imelda Marcos.

Bago kasi bumagsak ang diktadura ni Marcos ay halos kitang-kita at damang-dama na hawak nilang lahat ang kapangyarihan sa bansa. Natatandaan ko pa ang caption sa Daily Express na nagsasabing ang mga sundalo ay sumasaludo kay FM upang ipakita ang kanilang loyalty hindi sa constitution kungdi sa diktador.




Dumanak ang dugo, nagmistulang isang monarkiya ang Pilipinas at sina Marcos at Imelda ay namuhay bilang mga hari at reynang Maharlika.

Pero kasaysayan na 'yan. Ang puwede gawain ngayon ay patuloy na tugisin ang mga Marcoses uapng mabawi ang yaman ng bansang kanilang ninakaw at pagbayarin ang kanilang pamilya nakinabang sa nakaw na pera.

Isang ehamplo nito ay si Bongbong Marcos, ang senador na hindi pa rin umaamin na mali ang Martial Law. Na walang ninakaw ang kanyang pamilya. Na walang pinapatay ang kanyang pamilya. 

Ang nakakalungkot nito ay nakabalik pa sa kapangyarihan ang mga Marcoses. 

Masakit, Kuya Eddie. Kaya sinasang-ayunan ko ang panukalang dapat ituro sa mga paaralan ang Martial Law upang hindi na muli pa itong maulit.


At naniniwala akong hindi natutulog ang hustisya. Kung hindi man natin ito matitikaman ngayon, sigurado akong may karmang darating sa mga ganid na tulad ng mga Marcoses.

Haay...nai-stress ako kapag naiisip ko ito.

Makataya na nga sa lotto.

No comments: