Isa sa mga kilalang lansangan sa Pilipinas ay ang Claro M. Recto St. sa Lungsod ng Maynila. Ito ay nagsisimula sa paanan ng Mendiola Bridge at ang hangganan ay Pier kung saan nagwawakas ang Pasig River.
Maliban sa Maynila may mga lansangan ding pinangalanang Claro M. Recto Avenue sa Davao at Cagayan de Oro, gayundin sa Lipa City. May Claro M. Recto Highway naman sa Angeles City at may Claro M. Recto St. sa Malaybalay City.
Base sa dami ng mga lansangan ipinangalan sa kanya, masasabing kinikilala si Claro M. Recto.
Sino ba si Claro M. Recto?
Si Recto ay nakilala bilang isa sa mga makamamayang abogado, senador at guro.
Kasama siya sa nagsulong upang maigupo ang Hare-Hawes-Cutting Act, na nagbibigay sa Estados Unidos ng karapatang mapanatili ang mga base nila sa ating bansa na walang "time frame".
Isinulong din niya ang tahasang paghihiwalay ng Simbahan at Pamahalaan.
Marami ang nagsasabi na si Recto, na nagsilbi rin bilang Education Commissioner, Minister of Foreign Affairs at Cultural Envoy, ay may makabagong pananaw na hindi tumpak sa kanyang panahon.
Ngayon may isa pang Recto sa Senado. Ito ay si Ralph Recto, apo ni Claro, na mas kilala bilang kabiyak ni Batangas Gov. Vilma Santos.
Wala pang naipapangalang lansangan kay Ralph, pero malamang isang araw ay may mabibili ng Ralphboro o kaya ay Ralph Morris na yosi dahil sa malaking suporta niya sa kumpanya ng sigarilyo.
Kitang-kita ang pagkiling ni Recto sa mga kumpanya ng yosi at alak ng pababain ang sinisipat na sin tax mula sa P60 billion pababa sa P15 billion.
Ani Recto: "contrary to the myth, the higher tax we are mulling will not be levied on a couple of taipans, or a foreign tobacco colossus, or a beer giant. The ones who will ultimately bear the additional tax burden are ordinary folks, like the worker who likes to cap his day with a cocktail of rum and coke or the call center employee who grabs a bottle of ice cold beer before he hits the road. In short, we are not taxing companies here but people. In the end, it is not big tobacco or the giant brewery who will pay, but small people."
Tanong ko lang Ralphboro, este Ralph Recto, bakit ba tinataasan ang Sin Tax?
Kung hindi mo alam, narito ang dahilan. Itinataas ang Sin Tax upang maging magastos ang pagbili ng mga sigarilyo at alak na may malaking epekto sa kalusugan ng mga Pilipino.
Ngayong alam mo na, umasta ka namang parang Recto. Sasayangin mo ba ang ipinuhunan ng lolo mo sa pangalang ito?
No comments:
Post a Comment