Monday, November 12, 2012

May multiple personality disorder ba si Tito Sen?




Magaling na artista, pulpol na senador!

Ganito ang description ng isang kaibigan tungkol kay Sen. Tito Sotto.

Pero kung ako ang tatanungin. Sa tingin ko ay dapat na kaawaan kaysa laitin itong si Tito Sen.

Bakit?

Tila kasi hindi na napaghiwalay ni Tito Sen ang iba't ibang personalidad na kanyang kinatawan.

Nalimutan ni Tito Sen na ang pagiging komedyante ay sa television lang at sa pinilakang tabing.

Hindi dapat isinasama ang pagiging komedyante sa pagiging Senador. May hangganan din naman kasi ang pagiging komiko at alam ito ng mga Pilipino.


Naalala ko kasi ang mga awit ng Tito, Vic and Joey (TVJ) na karaniwang hinalaw mula sa ibang musika pero iba ang lyrics.

Isang example nito ay ang theme song ng Iskul Bukol na ang original na pinagkopyahan ay ang "All Shook Up" ni Elvis Presley.



Maraming ganitong awitin ang TVJ.

Kaya nga sa tingin ko ay nakasanayan na ito ni Tito at ito ang pinakamalaki niyang pagkakamali. Malamang na ang motto ni Sen. Sotto ay "Imitation is the sincerest form of flattery."

Naisama niya ang nakaugalian sa telebisyon at pelikula sa ginagawa niya sa Senado.

Kaya't dapat talagang turuan ng leksyon si Tito Sen. Tama?!

Sa tingin ko hindi na matuto si Sen. Sotto. Dahil sabi nga nila "You can't teach old dogs new tricks."

Pero puwede pa rin siyang kasuhan sa Senate's Ethics and Privileges Committee, kasalukuyang pinamamahalaan ni Sen. Allan Peter Cayetano, na siyang gagawin ng 30 faculty members mula sa  University of the Philippines, Ateneo de Manila University at De La Salle University.

Lead counsel ng grupo ang batikang abogadong si Atty. Barry Gutierrez, ang ikalawang nominee ng Akbayan Party.

Pero sa dulo, nakakaawa pa rin talaga si Tito Sen. Feeling niya kasi Iskul Bukol pa rin ang Senado. Dementia ba ang tawag sa ganitong sakit? O baka naman may multiple personality lang si Tito Sen.

No comments: