Saturday, November 17, 2012

Liham

Maliban sa  mga all-time hits na  El Filibusterismo at Noli Me Tangere, ano ang paborito mong isinulat ni Jose Rizal?

Ang dalawang nobelang ito ang nagpa-init sa rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio bilang Supremo ng Kagalang-galang Kataas-taasan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Bagamat hindi nakasama si Jose sa rebolusyong ipinaglaban ng KKK, naging simbolo naman siya sa laban kontra sa mga mananakop na Kastila. Pinaalab pa ng pagpatay kay Rizal sa Bagumbayan ang rebolusyon.


Sa mga paaralan ay pinag-aaralan ang dalawang nobela ni Rizal. Pero hindi batid ng lahat na may sulat si Jose na nagpaalab din ng himagsikan laban sa Katoliko Romano at Kastila.

Ito ang "Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan".

Sa liham na ito, inilahad ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan sa pagpapalaya ng bayan.

Iba talaga si Rizal. Bagamat maituturing na babaero ay hindi nawala sa kanya ang impresiyon na may malaking maitutulong ang mga kababaihan upang magtagumpay ang himagsikan laban sa Katolikong bansang tulad ng Espanya.

Sa totoo lang ang sulat ay nagluluwal ng paghanga sa Kadalagahan ng mga taga-Malolos.

"Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay," ani Rizal sa mga dalaga ng Malolos.

Idinagdag pa ni Rizal na ang mga dalaga ng Malolos ay: "Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip."

Aba iba nga ano?

Ahead of their time ang mga dalaga ng Malolos. Katulad ni Rizal at ng mga Katipunero, hindi sila papahuli ng buhay laban sa mga Kastila at Katolikong ilang daang taong gumahasa sa Pilipinas.

Naisip ko bigla, malamang hindi nabasa ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arryo ang liham na ito. O kung nabasa man niya, ay hindi niya ito inintindi o naintindihan.

Ayan, nakakulong siya tuloy ngayon. Wala lang.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com