Wednesday, November 21, 2012

Sin Tax, Text Tax

Ang magandang balita. Nakapasa na sa Senado ang Sin Tax bill. Kasunod na nito ang bicameral meeting sa pagitan ng Senado at Kongreso upang mapagsama nag kanilang mga panukalang batas.

Tinatayang halos P40 billion ang kikitain ng panibagong sin tax bill para sa pamahalaan.

Pero sa tantiya ko ay maliit pa rin ang halaga ng tax na ipapataw sa sigarilyo at sa alak.

Dapat ay yong tipong, kapag bumili ng yosi ay masasaktan ang bibili. Ganito rin dapat sa mga alcoholic beverages.


Tanggap naman natin na talagang napakaliit ng ipinapataw na buwis sa yosi at alak, na kapwa addictive. Kung ikukumpara nga sa marijuana ay mas addictive pa ang sigarilyo dahil sa taglay nitong nicotine.

Ganito rin ang alak. Addictive ang alcohol kaya nga hindi ba't nagkaroon pa ng Alcoholics Anonymous upang magsilbing support group sa mga alcoholics na nagnanais makawala sa pang-aalipin ng alak.

Ang masamang balita. Matagal na pala tayong niloloko ng mga telecommunication companies tulad ng Globe, Smart at Sun.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) may utos ang kagawaran sa mga Telcos na P.80 lang ang dapat na singil kada text. Pero P1.00 ang sinisingil ng mga Telcos sa mga Pinoy.

Kung titingnan aba ay P.20 lang naman ang overcharging. Pero kung titingnan na dami ng text messages na ipinapadala ng mga Pinoy, lalabas na hindi lang pang-chicklet ang halagang na-overcharge sa mga Pinoy.

Ayon sa NTC, umaabot ng 20 million kada araw ang text na ipinapadal ang mga Pinoy. Kung ito ay susumahin natin ng 20 million kada araw, may overcharging ang mga Telcos ng P4 million kada araw. I-multiply natin ito sa 365 days. Magkano?

P1,460,000,000.

Ganiyan kalaki o mas mataas pa ang nakumlimbat ng mga Telcos sa mamamayang Pinoy kung susumahin ang overcharging.

Tapos ngayon may mungkahi pa ang International Monetary Fund na lagyan ng buwis ang text.

Taragis!!!

Oo, tanggap nating bisyo na rin ang pagte-text pero ito ang bisyong hindi dapat lagyan ng buwis tulad ng sigarilyo at alak dahil wala namang health hazard na kaakibat ang pagte-text.  Maliban na lang kung magda-drive ka at magte-text.

No comments: