Saturday, December 1, 2012

Katotohang liko at si Rizal


Aminin nating marami tayong matutunan kay Jose Rizal, naging bayani man siya o hindi. 

Kung babasahin natin ang kanyang libro  at mga liham kung kani-kanino, may matutunan tayo sa kasaysayan, ideyolohiya at maging sa pagpapakabanal.

Sabi nga ni Jose sa kanyang sulat sa mga kababaihan ng Malolos: "Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari."

At ganito nga ang ginawa ni Rizal.

Kaysa yumuko sa mga Kastila ay mas ninais na mabaril sa Bagumbayan.

Marami tayong matutunan kay Rizal, laluna ang ang Communist Bishops  Conference of the Philippines (CBCP), este, Catholic Bishops Conference of the Philippines pala.

Nakatutuwa talaga itong si Rizal dahil magpahangga ngayon ay puwedeng isabuhay ang kanyang mga isinulat at banat sa mga tagasunod sa Katotohanang Liko (Katoliko).

Mantakin mong kung paano ginagamit ng Katoliko ang kanilang impluwensiya noong panahon ng mga Kastila ay ganito pa rin ang kanilang ginagawa magpahangga ngayon.

Akala yata ng mga paring ito na kolonya pa rin ng Espanya ang Pilipinas eh.

Isang ehemplo nito ay kung paano ipinipilit ng mga tagasunod sa Katotohang Liko ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill.

Malinaw na hindi ito nakabatay sa isang modernong pag-iisip at estado tulad ng Pilipinas dahil hindi naman puro tagasunod ng Katotohang Liko ang nakatira sa bansang ito.

Kaya ang tanong ay "Bakit ipinagpipilitan ng mga Katoliko ang kanilang paniniwala sa isang bansang hindi naman Kato-liko?"

Ah, hindi kasi nila binasa si Rizal kaya hindi nila alam ang tunay na pagpapakabanal.

Pero may pagkakataon pa na pag-aralan ng mga Kato-Liko ang mga isinulat ni Rizal lalupa't paparating na ang kanyang araw ng kabayanihan ngayong Disyembre 30.

Puwedeng magtika ang mga Kato-Liko, humingi ng tawad sa bayang Pilipinas sa daang taon nilang pang-aabuso sa ating bansa, kababaihan, at natural na yaman.

At sa dulo, isipin kung ano ang sinasabi ni Rizal sa tunay na pagpapakabana.

No comments: