"Wind of change," ika nga ng glam rock group na Scorpions.
Pagbabagong maganda, pagbabagong nagbibigay ng pag-asa. Ang tinutukoy ko ay ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill o RH Bill.
Siyempre, tulad ng lahat ng bago, hindi pa natin alam kung paano ang epekto nito sa ating bansa. Ang punto ay kinikilala ng batas ang karapatan ng mga kababaihan at pamilya na makapagplano. Maitakda ang laki ng pamilya upang mabigyan ng mas may kalidad na buhay ang mga Pilipino.
Sa pagsasabatas ng RH Bill, ilang bagay na matagal na nating alam ang makatotohanang tumambad sa sambayanan.
Una. Lalong gumuho ang kapit ng Katolikong simbahan sa "moralidad" ng mga Pilipino.
Hindi na takot ang mga Pilipino sa sasabihin ng mga Obispo at sa darating na panahon, sa tingin ko ay unti-unti pang guguho ang kapit ng mga "kleriko pasista" sa isipin ng mga Pinoy.
Dapat itong tanggapin ng mga Katoliko at dapat silang mag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon. Kung hindi ay malamang na pulitin sila sa "kangkungan".
Sa pagsunod kasi ng mga Pilipino sa kagustuhan ng mamamayan kaysa sa pagtalima sa iniuutos ng Simbahan, nakitang unti-unting pinuputol ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng Simbahang Katolikong sumasaklaw sa kanilang pag-iisip at ideyolohiya.
Simula pa lamang ito. Sana ay isunod dito ang pagtatakda ng buwis sa mga negosyo ng Simbahan, ari-arian at mga donasyon tulad ng mga pangkaraniwang negosyo. \
Sa ganitong paraan, makikita ang separation ng estado at simbahan. Ani Hesus "Ibigay mo kay Caesar ang kay Caesar at ibigay mo sa Diyos ang sa Diyos."
Hindi naging madali para sa mga makabagong Pilipino na isabatas ang RH bill dahil mabagsik na tinutulan ito ng Simbahang Katoliko, na kulang na lamang ay magpalabas ng fatwa. O kaya ay magpatawag ang Vatican ng panibagong Crusade laban sa mga Pilipinong mambabatas na kumakalaban sa Simbahan Katoliko at sa mga pinaniniwalaan nitong Diyos.
Susmaryosep!!! Servenguenza!!! Mga walang utang na loob!!! Mga jejemonjo!!!
Unang naisalang sa Kongreso ang RH Bill noong panahon pa ni Etta Rosales bilang kinatawan ng Akbayan. Ipinagpatuloy ito ni dating Akbayan Party rep. Risa Hontiveros. Hindi man lamang ito nakalampas sa committee hearing dahil hinaharang ng nagkutsabaang pamahalaan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at Simbahang Katoliko.
Pero hindi natinag ang Akbayan, ipinaglaban nila ito sa Kongreso bagamat may bago na itong mga kinatawang sina Walden Bello at Kaka Bag-ao.
"This bill is about promoting free and informed choice. It is about advancing reason and dispelling ignorance. It is a bill that respects the responsibilities of the state towards its citizens. It is a bill that respects the relationship between the Church and the State. It is a bill that is a model of how legislation should be crafted--that is, a process that transpires with great sensitivity to the views of different constituencies with a plurality of opinions," wika ni Walden noong siya ay bumoto sa nominal voting sa 2nd reading ng batas.
"Akbayan is proud to be one of the principal sponsors of this historic bill. I would also like to commend the Speaker, the Majority Leader, and the House leadership for their role in pushing this bill while respecting fair play and ensuring a just process. And, of course, I compliment the president for the courage he displayed in pushing the national debate on this bill to its conclusion. I would likewise wish to personally thank Rep. Edcel Lagman for his epic leadership in the 14-year struggle for this law," dagdag ni Walden.
Alam ng Akbayan na ang agenda ay maipasa ang RH Bill para sa mamamayan, at hindi ito maipapasa kung walang katuwang. Dahil dito pinalawak ng Akbayan ang RH movement para may magtulak sa bagas sa loob at labas ng Kongreso.
Matapos ang mahigit isang dekada, pumasa sa third reading ang RH Bill nitong Lunes sa Kongreso at sa Senado. Halleluiah!!!
Mas masarap daw ang pagkain kapag ito ay unti-unting naluto. Slow cook ba ang tawag dito?
"Tayo na lang ang nagdedebate dito, Mr. Speaker, pero sa labas ng Kongreso, matagal nang tapos ang debate. The ship has already sailed, and for many Filipinos, they’ve made their decision – they, too, have long voted yes for the bill," punto ni Bag-ao.
Pagbabagong maganda, pagbabagong nagbibigay ng pag-asa. Ang tinutukoy ko ay ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill o RH Bill.
Siyempre, tulad ng lahat ng bago, hindi pa natin alam kung paano ang epekto nito sa ating bansa. Ang punto ay kinikilala ng batas ang karapatan ng mga kababaihan at pamilya na makapagplano. Maitakda ang laki ng pamilya upang mabigyan ng mas may kalidad na buhay ang mga Pilipino.
Sa pagsasabatas ng RH Bill, ilang bagay na matagal na nating alam ang makatotohanang tumambad sa sambayanan.
Una. Lalong gumuho ang kapit ng Katolikong simbahan sa "moralidad" ng mga Pilipino.
Hindi na takot ang mga Pilipino sa sasabihin ng mga Obispo at sa darating na panahon, sa tingin ko ay unti-unti pang guguho ang kapit ng mga "kleriko pasista" sa isipin ng mga Pinoy.
Akbayan chair Risa Hontiveros |
Sa pagsunod kasi ng mga Pilipino sa kagustuhan ng mamamayan kaysa sa pagtalima sa iniuutos ng Simbahan, nakitang unti-unting pinuputol ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng Simbahang Katolikong sumasaklaw sa kanilang pag-iisip at ideyolohiya.
Simula pa lamang ito. Sana ay isunod dito ang pagtatakda ng buwis sa mga negosyo ng Simbahan, ari-arian at mga donasyon tulad ng mga pangkaraniwang negosyo. \
Sa ganitong paraan, makikita ang separation ng estado at simbahan. Ani Hesus "Ibigay mo kay Caesar ang kay Caesar at ibigay mo sa Diyos ang sa Diyos."
Hindi naging madali para sa mga makabagong Pilipino na isabatas ang RH bill dahil mabagsik na tinutulan ito ng Simbahang Katoliko, na kulang na lamang ay magpalabas ng fatwa. O kaya ay magpatawag ang Vatican ng panibagong Crusade laban sa mga Pilipinong mambabatas na kumakalaban sa Simbahan Katoliko at sa mga pinaniniwalaan nitong Diyos.
Susmaryosep!!! Servenguenza!!! Mga walang utang na loob!!! Mga jejemonjo!!!
Akbayan Rep. Walden Bello |
Pero hindi natinag ang Akbayan, ipinaglaban nila ito sa Kongreso bagamat may bago na itong mga kinatawang sina Walden Bello at Kaka Bag-ao.
"This bill is about promoting free and informed choice. It is about advancing reason and dispelling ignorance. It is a bill that respects the responsibilities of the state towards its citizens. It is a bill that respects the relationship between the Church and the State. It is a bill that is a model of how legislation should be crafted--that is, a process that transpires with great sensitivity to the views of different constituencies with a plurality of opinions," wika ni Walden noong siya ay bumoto sa nominal voting sa 2nd reading ng batas.
"Akbayan is proud to be one of the principal sponsors of this historic bill. I would also like to commend the Speaker, the Majority Leader, and the House leadership for their role in pushing this bill while respecting fair play and ensuring a just process. And, of course, I compliment the president for the courage he displayed in pushing the national debate on this bill to its conclusion. I would likewise wish to personally thank Rep. Edcel Lagman for his epic leadership in the 14-year struggle for this law," dagdag ni Walden.
Alam ng Akbayan na ang agenda ay maipasa ang RH Bill para sa mamamayan, at hindi ito maipapasa kung walang katuwang. Dahil dito pinalawak ng Akbayan ang RH movement para may magtulak sa bagas sa loob at labas ng Kongreso.
Matapos ang mahigit isang dekada, pumasa sa third reading ang RH Bill nitong Lunes sa Kongreso at sa Senado. Halleluiah!!!
Akbayan Rep. Kaka Bag-ao with former Akbayan Chair Perci Cendena. (Philippine Star photo) |
Mas masarap daw ang pagkain kapag ito ay unti-unting naluto. Slow cook ba ang tawag dito?
"Tayo na lang ang nagdedebate dito, Mr. Speaker, pero sa labas ng Kongreso, matagal nang tapos ang debate. The ship has already sailed, and for many Filipinos, they’ve made their decision – they, too, have long voted yes for the bill," punto ni Bag-ao.
"Matagal nang nag-yes ang mga pamilyang naghihirap para pakainin ang kanilang mga anak, mga pamilyang naghahangad ng marangal na bukas para kanilang mga anak; matagal nang bumoto ng yes ang mga health workers na nakikita ang dinadanas ng mga nanay at mga sanggol na nasa hukay ang kabilang paa dahil sa maternal deaths at childbirth-related complications; matagal nang bumoto ng yes kahit ang mga Katolikong kabataan na alam na kailangan nila ng edukasyon para sa kanilang reproductive health."
Bagamat marami ang naging cook ng RH Bill, hindi naman nasira ang nilalaman nito. Ngayon papunta na sa Bicameral committee ang panukalang batas para pag-isahin ang bersyon ng Senado at Kongreso.
Pagkaraan nito, ipapasa ito sa Malakanyang upang pirmahan ni Pang. Aquino, na upang masigurong magiging batas ang RH Bill ay nag-utos na "urgent" ang panukalang batas.
At siyempre, ang mga susunod na kaganapan ukol sa RH Bill ay maisasama sa kasaysayan kung kailan nagpakita ng lakas ang mga Pilipino laban sa Simbahang Katoliko.
Masasabi ko ngayon na naniniwala na ako sa milagro. At may Diyos na nagmamahal sa mga Pilipino. Mantakin mong maging ang Simbahang Katoliko ay hindi nakaporma sa Diyos na ito. Sinong Bathala nga ito?
Wala lang.

No comments:
Post a Comment