Saturday, January 5, 2013

Sablay

Akbayan Rep. Kaka Bag-ao
Pinagpipiyestahan ngayon ang diumano'y nakakaintrigang pagtanggap ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao ng responsibilidad bilang "caretaker" sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na allocated para sa Dinagat Island Province.

Unang intrigang sablay ay bakit daw si Rep. Bag-ao ang itinalagang caretaker kapalit ng nagtatagong congressman na si Ruben Ecleo Jr.

Ayon sa Inquirer.net report:


"Ecleo was removed from the list of members of the House of Representatives after the Supreme Court affirmed the Sandiganbayan’s guilty verdict on Ecleo for his role in irregularities in several infrastructure projects in San Jose, Surigao del Norte, where he served as mayor from 1991 to 1994.
He was sentenced to 18-31 years in prison and ordered to pay P2.8 million to the government.
Ecleo, a wanted man with a large bounty on his head, was also convicted last April of killing his young wife in 2002. He took over the cult, the Philippine Benevolent Missionaries Association Inc., founded by his father, after the latter died in 1987."


Speaker Feliciano Belmonte
Sa pagkawala ni Ecleo, itinilaga ni Speaker Feliciano Belmonte si Kaka bilang caretaker. Base sa Republic Act No. 6645 o An Act Prescribing the Manner of Filling a Vacancy in the Congress of the Philippines, kailangang magpatawag ng halalan upang mabatid ang papalit sa kongresistang natanggal sa Lower House kung nangyari ito isang taon o higit pa bago ang susunod na halalan.

Kung walang sapat na panahon para magpatawag ng halalan, magtatakda ang Speaker ng caretaker.

Samakatuwid, tumpak ang ginawa ni Speaker Belmote at sablay ang pang-iintriga.

Sinabi ko sa simula ng post na ito na tinanggap ni Kaka ang responsibilidad bilang caretaker. Hindi tumatakbo si Kaka sa responsibilidad lalu na kung ito ay makakatulong sa mamamayan. Hindi ito hiningi ni Kaka, ito ay ibinigay sa kanya at tinanggap sa kabila ng posibleng intrigang lilikhain nito.

Kaya sa tingin ko ay sablay na sabihing may motibong gagamitin ito ni Kaka sa politika. Base sa pagkakakilala ko kay Kaka, hindi siya ganito mag-isip. Hindi siya tumatakbo sa responsibilidad at hindi niya uunahin ang pulitika kung pagtulong sa mamamayan ang nakataya.

"Those who think that a few months of serving as caretaker rep would tilt the balance in my favor is obviously unfamiliar with how powerful the Ecleos are. They are well entrenched, and there are even rumors that they are reviving their private army. This is not giving me undue advantage - actually, this is like being given a stick to slay a dragon," sabi ni Kaka sa kanyang statement ukol sa intrigang bumabalot sa kanyang pagiging caretaker ng Dinagat PDAF.

Iniintriga rin na walang "K" si Kaka na matalaga para maging caretaker. Para sa kaalaman ng marami, si Kaka ay taal na taga Dinagat. Dun siya lumaki. Sabi nga ng iba, dun na siya "tumaba". Nakakataba naman talaga ang sariwang hangin at sustansiya mula sa sariwang pagkaing dagat.

"My appointment is simply due to the fact that I am from Dinagat. I grew up here, and none of the reps could claim that they know the province," dagdag pa ni Kaka.

So maliwanag na kaya naitalaga si Kaka bilang caretaker ay dahil nagmula siya sa Dinagat Island. Alam niya ang problema ng lalawigan at dahil dito, alam niya kung paano gagamitin ng tumpak ang PDAF.

Kaya sablay na namang sabihing ito ay political patronage at gagamitin niya ang PDAF sa susunod na halalan.

Totoong tatakbo si Kaka sa susunod na halalan bilang kinatawan ng Dinagat Islang. Pero kung sasabihing malaliyamado si Kaka dahil sa PDAF ay isang malaking katangahan. Ang tanong ko ay nakabisita na ba ang mga bumabatikos kay Kaka sa Dinagat upang masabi nila ito. Ano ang basehan at nasabi nila ito? 

"Those who think that a few months of serving as caretaker rep would tilt the balance in my favor is obviously unfamiliar with how powerful the Ecleos are. They are well entrenched, and there are even rumors that they are reviving their private army. This is not giving me undue advantage - actually, this is like being given a stick to slay a dragon," punto ni Kaka.

"The strength of my candidacy doesn't rest on the fact that I have ties to the administration. Iba ang local politics, at kung tutuusin parang may hiwalay na republic dito sina Ecleo. 

If I am going to win in Dinagat, it won't be through this appointment. I think it would be due to my track record as a community organizer, dahil naging bahagi ako ng mga laban kagaya ng sa Sumilao farmers. I understand the power of communities, and how strong the people can be when they're organized. Nung 2010 nagawa natin na magkaroon ng People Power sa balota, at nanalo ang adminisrasyong Aquino. It's the same People Power in the ballot that will make me win in May 2013."

So, sa mga bumabanat kay Kaka, isa lang ang masasabi ko. Sablay!!!

2 comments:

  1. Namputa, puro pala batikos lang ang ginagawa ng umiintigra kay Kaka. Minsan maganda rin na mag-isip muna at mag-research para hindi sumablay

    ReplyDelete
  2. Tama ka Taong Grasa. Kadalasan kasi ay nabubulag ang mga tao sa kanilang pamumulitika kaysa tingnan kung makakatulong ba sa mamamayan o hindi ang kanilang sablay na pang-iintriga

    ReplyDelete

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com