Sunday, January 27, 2013

Culture of impunity, dahilan ng mabigat na trapiko



Isa ang Metro Manila sa pinakapeligrosong lugar sa buong mundo kung ang pag-uusapan ay ang pagmamaneho at paglalakad sa kalye.

Marami nang nagawang pag-aaral upang mapaganda ang kalagayan ng trapiko sa lansangan ng Metro Manila at upang maging ligtas ang mga kalye para sa motorista at pedestrians.

Bagamat may ginagawa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang mapaganda ang ating mga lansangan at maging pedestrian-friendly ang mga kalye, hindi ito sapat.


Ayon sa CNNgo, ang travel website ng kilalang news organization, ikatlo ang Metro Manila sa pinakamasaklap na kalagayan kung ang pag-uusapan ay ang mga kalye at lansangan. Sinabi naman ng MSN Autos na ika-10 ang Metro Manila sa buong mundo kung ang pag-uusapan ay ang trapiko at ang paglalakad sa kalye.

Sa tingin ko, sinasalamin ng culture of impunity ang problema natin sa kalye. Sabi nga nila kung makakalusot, lulusot.



Tulad ng larawan sa itaas. Isang pamilya na nagmo-motor na walang helmet. Hindi lang pangkaraniwang Pilipino riders ang nakikita ko na walang helmet habang nagpapatakbo ng motor. Maging pulis, traffic enforcers ng iba't ibang lungsod sa Kamaynilaan, gayundin mga kawani ng MMDA.

Ang tawag dito ay impunity, hindi po ba?

Pero para sa akin na isang pangkaraniwang pedestrian ang pinakampeligro ay ang hindi pagsunod sa traffic light.

Dahil kung hindi susunod sa traffic light ang mga motorista, aba ay puwede akong masagasaan kahit ako ang sumusunod sa batas trapiko.

Hindi lamang bus at jeepney drivers ang may kasalanan kung ang usapin ay pagsunod sa batas ng trapiko. Malaking bilang ng mga hindi sumusunod sa batas trapiko, base sa karanasan ko, ay mga pribadong sasakyan.

Ang tawag dito ay impunity, hindi po ba?

Ano ang sagot upang mabago ang kulturang ito?

Simple lang. Ipatupad ang batas.

Una ay bigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga MMDA traffic enforcers upang mapasunod ang mga pedestrians at drivers at para hindi tinatabla sa kalye.

Ikalawa, kapag nahuli ang mga MMDA traffic enforcers, pulis at iba't ibang traffic enforcers ng iba't ibang lungsod at munisipyo sa bansa, tanggalan kaagad ng lisensiya at tanggalin sa trabaho. Period.

Ikatlo, ipatupad ang jaywalking law. Dito kasi sa Pilipinas, kapag naghintay ka na mag-green ang traffic light, nagmumukha kang tanga. Kasi ang daming hindi sumusunod sa traffic light at ang mga sumusunod ay nagiging mukhang engot.

Ika-apat, ipatupad ang anti-vendor ordinance at batas sa bansa kahit anong panahon. Christmas season man o hindi. Fiesta man o hindi. Ang pedestrian lane at sidewalk ay para sa pedestrian. Period. Hindi ito para pagtayuan ng bilihan ng samalamig. Hindi sa kontra ako sa paghahanap buhay, pero ilagay sa tamang lugar.

Ika-lima, pagmultahin ang mga local government units, na hindi makakapagpatupad ng mga batas trapiko, jayawalking, at anti-vendor ordinance.

Ika-anim, dapat ay sama-sama tayong subaybayan ang pagsunod sa trapiko. Kaya kung mayroon kayong larawan na nagpapakita sa paglabas sa batas trapiko, at iba pa, ipadala sa walalangblogs@gmail.com at ipoposte ko sa blog na ito. 

No comments: