Wednesday, January 16, 2013

Kapos sa creativity mga early political ads

Narito na naman ang isa sa pinakahihintay na panahon ng mga Pinoy. Hindi ito pasko, pasko ng pagkabuhay o kaya'y Araw ng mga Patay kungdi ang pinakananabikang halalan!

Katunayan, opisyal na nagsimula ang election season nitong Enero 13 na magwawakas sa June 12, kung kailan inaasahang nai-deklara na ng Comelec ang mag nagsipagwagi sa tinatawag na mid-term elections sa Mayo 13.

Dahil nasa panahon na tayo ng halalan, asahan natin ang mga political ads o commercials. Ito ay maaaring sa telebisyon, radyo at dyaryo.

Nariyan din ang mga naglipanang sasakyang may trompa at nagpapatugtog ng mga campaign jingles. At siyempre, nariyan din ang pagdikit ng mga campaign posters sa iba't ibang pader sa kapuluan. Katunayan, maging mga puno ay hindi pinaligtas at ginagamit upang makapagdikit ng mga campaign posters.

Pero siyempre, ang pinakahihintay natin ay ang mga commercials. Sino ba naman ang makakalimot sa commercial ni Sen. Manny Villar, na nagsabing siya raw ay lumangoy sa ilog ng kahirapan. Dami niyang napabilib. Kaso napatunayang peke ang kanyang pagiging mahirap at siya ay pinulot sa kangkungan.

Pinagsama-sama ko ang mga commercials ng mga kandidato sa pagkasenado hindi upang atin silang husgahan na maagang nangangampanya kungdi upang makita kung gaano ka-creative ang kanilang mga handlers


 

Inaasahan kong gagamitin ni Bam Aquino ang kanyang sariling koneksyon sa mga lolo at lola niyang sina dating Sen. Noynoy Aquino at dating Pangulong si Cory Aquino at siyempre sa kasalukuyang nakaupong pangulong si Noynoy Aquino.

Bagamat inaasahan ko ito, mas gusto ko sana ay nagtimpi siya sa paggamit ng kanyang apelyido.

Pero nandiyan na 'yan kaya ang masasabi ko lang ay ka-BAM!!!





Sa commercial ni Cynthia Villar, kitang-kita ang paggamit niya ng mga kababaihan upang makapaghatid ng mensahe. Kita rin na ipinangalandakan niya ang kanyang "kabutihang" puso.

Hindi ko alam kung tanggap ito ng mga mamamayan dahil ang pagkakalam ko ang mga Pinoy, mas gusto nilang hindi ipinagmamalaki ang ginagawang pagtulong.

Napansin ko rin na may hawig sa mga patalastas ng kanyang asawa ang pagkakagawa sa commercial. Hindi kaya ang pagkatalo ni Manny ang maalala ng mga tao at hindi ang bagong kandidato? O baka naman ito ang mensahe ng commercial?

Kayo ano ang masasabi ninyo?




Sa totoo lang, sa mga naunang commercials, ito ang pinaka-creative sa mga napanood ko.

Dumikit ito sa isipan ng mga manonood dahil mula sa mababang puwesto sa survey ay pumanik sa number six si Koko.

Hindi ko lang maintindihan kung ang mga zombie voters ba ay ang mga nakapangparehistro at hindi bumoto o yong mga hindi nagparehistro at hindi boboto.

Pakipaliwanag nga Koko.



Maganda si Sam Pinto, walang kwestiyon dito. 

Pero hindi bagay si JV Ejercito Estrada at Sam Pinto na magkasama. 

Ang dating kasi ay pilit. Lalo na ang mensahe na kabataan ang nais makuha ang atensiyon.

Hindi kasi ganito ang "brand" na nabuo ni JV. Sa totoo lang ang brand naman niya ay ang apelyido at hindi ang nagawa bilang pulitiko.


Kung ganda ang pag-uusapan, hindi ko maiboboto si Nancy Binay. 

Kamukhang-kamukha ng kanyang tatay na si Vice President Jejomar Binay.

Siguro dapat na sa susunod na commercial niya, hindi siya kasama.

Doon ko makikita kung gaano ka-creative ang kanyang mga handlers. Ang maipanalo siya kahit sa kanyang mga commercials ay absent siya. 

No comments: