Sunday, February 3, 2013

Demokrasya



Ayon sa Wikipedia ang demokrasya "is a form of government in which all eligible citizens have an equal say in the decisions that affect their lives. Democracy allows eligible citizens to participate equally—either directly or through elected representatives—in the proposal, development, and creation of laws. It encompasses social, economic and cultural conditions that enable the free and equal practice of political self-determination."

Sa ganitong description ng demokrasya, kapansin-pansin ang karapatang ipinapataw sa mga mamamayan na pantay-pantay na lumahok hindi lamang sa halalan kungdi maging sa pagbuo ng mga batas.

Kung ganito ang pagsasalarawan sa demokrasya, masasabi ba nating may demokrasya sa Pilipinas?

Kung ang usapin ay pagboto, masasabi kong may demokrasya sa Pilipinas pero kung usapin ng partisipasyon, masasabi kong walang demokrasya sa Pilipinas.

Ang konsepto ng pagboto ay kaakibat ng karapatan at kakayahang kumandidato.

Pero sa Pilipinas, tanging sa karapatan lamang na bumoto naka-focus ang mga batas at maging mga ahensiyang namamahala sa halalan.

Hindi binibigyan pansin ang karapatan ng mamamayan na kumandidato.

Dahil napakagastos kumandidato sa Pilipinas, tanging ang mga mayayaman at iyong may koneksyon sa may kapangyarihan ang maituturing na may karapatang kumandidato.

Demokrasya ba ito?

Oo, ito ay demokrasya pero ang tawag dito ay elite democracy o demokrasya para sa iilang porsiyento ng mga Pilipino na nakakopo sa pang-ekonomiyang kapangyarihan.

Dahil sa gantiong kalakaran, patuloy na naghahari ang mga dynastic families, na mula po noong panahon ng mga Kastila ay naghahari-harian na sa ating bansa.

Tingnan natin ang mga apelyido ng mga kandidato at siguradong pamilyar ang mga ito na halos lahat ay nagmula sa prominenteng pamilya na hindi naman interes ng mamamayan o ng sambayanan ang pinoprotektahan kungdi ang interes ng kanilang mga pamilya.

Dahil dito, masasabi kong tama si Thomas Jefferson, isa sa mga founding fathers ng United States of America, at ikatlong pangulo ng nabanggit na bansa.

Aniya, "A democracy is nothing more than mob rule, where 51 percent of the people may take away the rights of the other 49 percent."


Pero rito sa Pilipinas hindi lamang 51 porsiyento ang pinagkakaitan ng karapatan, masasabing nating 99 porsiyento ng mga Pilipino ang walang karapatang kumandidato.

Demokrasya ba ito?

No comments: