Vice President Jejomar Binay with Senator Nancy Binay in during one of the sorties during the 2013 midterm elections. |
Ang sabi nga ni Nancy ay hindi tama na pagdiskitahan ang kanyang kulay dahil karamihan ng mga Pinoy ay ganito ang anyo, kung hindi morena ay mala-kape ang kulay.
Sabi nga nila ay "Black is beautiful."
Ani Nancy ay nasasaktan na siya sa mga "birong" nakabase sa kanyang mala-kapeng kutis, gayundin sa mga patutsada sa kanyang kakayahan na maging bahagi ng kapitapitagang Senado.
Talaga naman masakit ang mga patutsada kay Nancy.
Pero sino ba ang dapat sisihin kung bakit siya binabato ng mga ganitong patutsada?
Kung nasasaktan man si Nancy, wala siyang dapat sisihin kung hindi ang kanyang sarili at siyempre ang kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay.
Kung may pressure man na si Nancy ay kumandidato, ito ay nagmula sa kanyang pamilya, laluna sa kanyang ama na naninigurong may senador na magdedepensa sa pamilya Binay sa mga kasong kinakaharap ng pamilya, laluna na sa kanyang ina na dating mayor ng Makati.
Idagdag pa rito ang impluwensiya ng isang Senador.
Bagamat may karapatan si Nancy na magreklamo, hindi ko maintindihan na kung bakit niya ito ginagawa.
Sabi nga ni Nancy, 20 taon siyang nag-OJT bilang personal assistant ng kanyang ina at ama. Dapat ay alam niya ang pinapasok niya. Alam niya kung gaano "kaitim" ang halalan sa Pilipinas.
Sabi nga ni lolo, wala kang karapatang magreklamo kapag pinasok mo ang isang bagay tulad ng halalan, mabato man ng uling o ng kamatis.
Ngayong nasa Senado ka na, maghanda ka Nancy dahil tulad ni Lito Lapid, babantayan ka ng taumbayan. Gagawain kang pampatamis o pampapait ng kape sa agahan. Puwede ka ring gawaing panghimagas sa tanghalian at sawsawan sa hapunan.
At sana, isang mala-dambuhalang sana, mabigo mo ang aming inaasahan sa iyo.
Sana'y hindi ka lang nanay sa Senado. Sana'y maging epektibo kang senador na maglilingkod sa mamamyan at hindi sa pamilyang Binay.
No comments:
Post a Comment