Sa edad na 71, nagiging makakalilimutin na ba si Vice President Jejomar Binay?
Naitanong ko ito dahil tila nakalimutan na ni VP Binay kung paano nanilbihan si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo at ngayon ay mas pinapaboran pa niya ang dating pangulong humaharap ngayon sa sandamakmak na kaso ng pandarambong.
Nakalimutan na ba ni Vice President kung paano kinurakot ni GMA ang kaban ng pamahalaan at gumawa ng pera sa pakikipagsabwatan sa mga Intsik na nakipagkontrata sa pamahalaan?
Vice President Binay, hayaan po ninyong tulungan ko kayong maalala ang mga "himalang" nangyari noong panahon ni GMA.
Nakalimutan na ba ni Bise Presidente kung paano gumawa ng pera ang mga Arroyos sa pamamagitan ng fertilizer scam, pakikipagsabwatan sa mga Intsik sa NBN-ZTE at maging sa North at South rails?
Nakalimutan na ba ni Bise Presidente kung paano nagbenta ang mga Arroyo ng second-hand helicopter na pinapalabas nilang brand new?
Nakalimutan na ba ni Bise Presidente kung paano kinangkong ng mga Arroyo ang intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amusement and Gaming Corporation?
Nakalimutan na ba ni Bise Presidente na ginamit din ng mga Arroyo ang kanilang impluwensiya upang pagkaperahan maging ang illegal na jueteng?
Ilan lamang iyan sa mga kasalanan sa pandarambong sa kaban ng bayan, eh yong Hello, Garci? at iba pang pagmamaniobra ng mga Arroyo sa pulitika.
Ayon sa mga doktor ang tawag dito ay selective amnesia.
Pero para sa akin, ang tawag dito ay pamumulitika.
Kung sinasabi ni Bise Presidente na pamumultika ang dahilan kung bakit lumalabas ang baho ng babuyan sa Laguna, pamumultika rin ang dahilan kung bakit nagiging mabait si VP Binay kay GMA.
Noong Marso ng kasalukuyang taon, may lumabas na balitang nakikipag-alyansa ang UNA sa Lakas-NUCD. Ayon sa balita, mismong si Sen. JV Ejercito ang kumakamada sa usapan.
Pansamantalang lumabo ang usapan ng magkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Pang. Joseph Estrada at VP Binay sa kung sino ang tatakbong kandidato sa pagka-bise presidente ng UNA sa 2016. Ikinakasa kasi Erap ang anak niyang si Sen. Jinggoy "Seksi" Estrada, na ngayon ay "humihimas sa malamig na rehas" sa Camp Crame.
At ngayong nawala na sa picture itong si Jinggoy, malamang natuloy na ang usapan at si JV na ang ikinakasa ni Erap na kakandidato bilang bise presidente.
Kapwa kailangan nila VP Binay at GMA ang isa't isa.
Una, kailangang nilang mag-exchage notes sakaling ma-"hospital arrest" din itong si VP Binay dahil sa salang pandarambong.
Ikalawa, kailangang matutunan ni GMA kay VP Binay kung paano bumuo ng isang matibay na political dynasty tulad ng nabuo ni Bise Presidente.
Ikatlo, sabi nga nila "misery loves company."

No comments:
Post a Comment