Ano ba ang ibig sabihin ni Vice President Jejomar Binay at ng kaniyang mga kaalyado na ang imbestigasyon sa kanyang tagong yaman ay "politically motivated"?
Dahil kung ako ang tatanungin, wala namang masama kung politics ang motibasyon dahil maraming bagay na ang motibasyon kaya isinusulong ay politics kaya nga may tinatawag na politically motivated arts, politically motivated movies, politically motivated food, politically motivated rallies, politically motivated fashion, politically motivated writings, politically motivated nudity at dito sa Pilipinas marami ang matatawag na politically motivated fools.
Isang example ng politically motivated art ay ang larawang nasa bandang kanan. Ang poster na ito ay hango sa "obey" print ni Shepard Fairey at pinalitan ni Andraw Lowe ng larawan ni Chinese artist and activist na si Ai Weiwei. Pinalitan din ni Lowe ang mensahe na kaysa "Obey" ay Chinese characters para sa "love the future" ang mababasa.
At upang makatawag ng pansin sa kanilang iba't ibang advocacies, may mga samahan na ang mga miyembro ay naghuhubad, nagpapakita ng balat at minsan pati buhok sa mga tagong lugar para maiparating ang kanilang mensahe. Isang ehemplo nito ay ang Naked Black Project na kung saan sinusubukang basagin ang mga stereotype na pananaw ukol sa mga blacks.

Kaya kung tutuusin, wala namang problema kung "politically motivated" ang pag-iimbestiga sa tagong yaman ni VP Jejomar Binay. Mas may problema kung bakit ayaw niyang humarap sa Senado dahil ang lumalabas ay may iniiwasan siya.
At kapag may iniiwasan ka ibig sabihin may itinatago ka. At kapag may itinatago ka, guilty ka? He he he...kayo na po ang humusga. At aaminin ko, politically motivated ang pagkakasulat ng artikulong ito.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com