Monday, November 28, 2016

Ang Bayani

Image result for andres bonifacio images
Ngayon ika-30 ng Nobyembre ay ipagdiriwang ang ika-153 kaaarawan ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikang Pilipino.


Naalala ko si Bonifacio dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw sa ating kasaysayan.

Naalala ko kung bakit tinatawag na bayani ang isang tao.

Naalala ko kung paano sinikap ni Bonifacio na matuto at bagamat hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay tinuruan ang sariling makapagbasa at mapalawak ang kaisipan.

Naalala ko rin kung paano si Bonifacio ay tinraydor ni Emilio Aquinaldo, na itinuturing na unang pangulo ng Republikang Pilipinas.

Naalala ko rin kung paano ginamit ni Aquinaldo ang batas laban kay Bonifacio upang mapatahimik ang kalaban niya para sa pagkapangulo.

Naalala ko rin kung paano pinapatay ni Aquinaldo si Bonifacio.

Naalala ko rin kung paano panakaw na inilibing nitong Nobyembre 18, 2016 si Ferdinad Marcos, ang dating diktador, human rights violator at mandaramong sa kaban ng bayan ng kanyang pamilya sa Libingan ng mga Bayani.

Naalala ko at hindi ito maiwawaksi, na ang tunay na bayani ay iyong nag-alay ng buhay sa kanyang bayan hindi nagtraydor sa Pilipinas at  pinatalsik sa panunungkulan dahil sa galit ng kanyang nasasakupan.

Kung si Bonifacio ay nag-alay ng buhay, si Marcos ay nagkamal ng yaman mula sa taong bayan.

No comments: