Thursday, November 17, 2016

Extra Judicial Killings

Image result for extra judicial killings imageKung may 2016 Words of the Year, maituturing na pangunahing kandidato ang Extra Judicial Killings, na ang ibig sabihin ay pagpatay sa isang tao ng mga nasa kapangyarihan (tulad ng pulis o sundalo) na walang legal na proseso.

Karaniwang target ng Extra Judicial Killings o EJK ang kalabang politiko ng mga nasa kapangyarihan, trade union leaders, religious leaders o mga kilalang tao sa lipunan pero kalaban ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang EJK ay nakakabit sa giyera kontra droga ng Pamahalaang Rodrigo Duterte-Bongbong Marcos. Dati o noong panahon ni Ferdinand Marcos, ang EJK ay nakatutok sa mga aktibistang kalaban ng diktadura.

Upang maintindihan natin ang kahulugan ng EJK, gagamitin ko ito sa ilang pangungusap.

"Bakit lahat ng na-i-EJK ay naka-tsinelas?"

"Na-EJK ang kapitbahay ko dahil kasama siya sa listahan ng mga na-TOKHANG."

"Araw-araw ay may nai-EJK sa Caloocan, ano ginagawa ng lokal na pamahalaan?"

"Na-EJK ang kumpare ko, pero hindi naman siya adik. Nadamay lang."

"Na-EJK ang aso ng kapitbahay ko kasi ang ingay sa gabi."

"Muntik ng ma-EJK ang pusa namin buti na lang nakatalon sa bintana."

"Masaya ba ang PNP sa bilang ng mga unsolved EJKs?"

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com