MINSAN habang binabagtas ng sinasakyan kong jeepney ang kahabaan Quezon Avenue ay napaisip ako at natanong sa sarili kung ano ang sumasagi sa isipan ng mga kasabay ko kapag naririnig nila ang balita ukol sa paglilibing sa diktador at human rights violator.
Sa araw-araw na pakikipagtagisan sa kapalaran, pagkimi sa galit na dulot ng napakabigat na trapiko, hindi tumataas na sweldo, mga problema sa bahay, trabaho at maging sa love life, nakakabuo pa kaya sila ng opinyon ukol sa paglilibing kay McCoy sa Libingan ng mga Bayani (LNMB)?
Naiisip pa ba nila kung tama ang sinasabi ng mga anak ni McCoy na mag-move on na tayo at ilibing na sa LNMB ang diktador? Dahil anila, hindi naman ililibing si McCoy bilang bayani kungdi bilang isang sundalo.
Naisip ba nila na kaya muling naging pambansang debate ang paglilibing kay Marcos sa LNMB ay dahil kay Pang. Duterte na siyang nag-utos base sa kanyang pangako sa pamilya ng yumaong human rights violator na ito ay ililibing sa LNMB?
Hindi na siguro. Sa pagitan ng pagtakip ng ilong dahil usok ng mga sasakyan at pagkapit sa estribo dahil sa biglaang pagharurot at pagpreno ng driver, ang kanilang naiisip ay ang mga likes at friend request sa kanilang mga social media accounts.
Ang aking ikinatatakot ay tila nalibing na rin sa limot ang mga values o pagpapahalaga ng mga Pilipino, kasama na si PDuts at ang mga hukom sa Korte Suprema na sumang-ayon sa paglilibing sa diktador sa LNMB.
Nalibing na ba o kasamang malilibing sa LNMB ang pagpapahalaga natin sa kapwa Pilipinong naging biktima ng Martial Law?
Nalibing na ba ang pagpapahalaga natin sa hustisya, dangal at respeto?
At bago ako bumaba sa may kanto ng EDSA at Quezon Avenue, naisip ko lang na "Kasama ba tayong maililibing ni McCoy sa LNMB?"
Wala lang, naisip ko lang.

No comments:
Post a Comment