Saturday, December 10, 2016

Dangal

Image result for sikatuna village mapKUNG IKAW ay nakatira o napapadaan sa Barangay Central o Barangay Sikatuna, kapansin-pansin na ang mga kalye rito ay hango sa mga values na karaniwang ipinagmamalaki ng mga Pilipino.

Iba't ibang mahahalagang pag-uugali ng mga Pilipino ang kapansin-pansing ginamit para pangalanan ang mga kalye.

Sa aking pakiwari, ginawa ito upang maipakita kung paano pinapahalagahan ng mga Pilipino ang dangal ng isang mamamayan o ng isang tao.

Bagamat walang Marangal St. sa nabanggit ng mga barangay na ito, masasabing kapag naisabuhay mo ang lahat ng values na ito, ikaw ay maituturing na marangal at nabuhay na may dangal.

Ang mabuhay na may dangal, ito ang hanap ng lahat sa sangkatauhan.

Ito rin ang ugat kung bakit nabuo ang konsepto ng Human Rights na pinagkaisahang idineklara ng United Nations noong Disyembre 10, 1948 matapos ang ikalawang pangdaigdigang digmaan na kinakitaan ng mga pagmamalupit ng tao  sa kanyang kapwa tao.

Sa kasalukuyan, dito sa Pilipinas ay may digmaan din. May giyera kontra droga na kumitil na sa libo-libong mga Pilipino, na kapansin-pansing karamihan ay mula sa binansagang tsinelas crowd.

Ang unang biktima ng giyera kontra droga ay ang pagkilala na ang bawat Pilipino, adik man o tulak, ay may karapatang pangtao. Bagamat ito ay hindi kinikilala ng mga pulis o mismong ni Pang. Duterte, hindi nangangahulugan na ito ay nawala na.

Sapagkat darating ang panahon, tutugisin ang mga pulis na ito at maging si Pang. Duterte dahil sa kanilang pagsantabi sa mga karapatang pangtao, pangunahin dito ang karapatang sa "buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili."

Hindi ko na iisa-isahin pa ang ibang mga karapatang pangtaong nilalabag ng kasalukuyang pamahalaan, pero isa lang ang alam ko, tulad ni Marcos na napatalsik sa puwesto noong 1986, ang pamahalaang ito ay magwawakas at uusigin silang lahat sa kasalanan laban sa sangkatauhan (crime against humanity).

Sabi nga nila, weather-weather lang.

No comments: