Friday, December 2, 2016

#Hashtag

Image result for hashtag imageUSONG-USO ngayon ang paggamit ng hashtag, na nagsimula upang mapag-sama-sama o mai-grupo ang magkakatulad na ideya.

Ang kauna-unahang hashtag ay #barcamp, na ginamit bilang experiment ng mga marketers sa Twitter. At ang sabi nga ay "And the rest is history.

Hindi naman nagpapahuli ang mga Pinoy sa paggamit ng hashtag. May hashtag tayo para sa halos lahat ng bagay na ating ginagawa. Mula sa pagkain hanggang sa kung ano ang ginagamit nating deodorant, may kaakibat itong hashtag.

Sa Instagram, ang pinakasikat na hashtag para sa 2016 ay "love". Sa wikang English, ang pinakapopular ay #AMA (Ask me anything).

Dito sa Pilipinas, naging popular ang hashtag na #MarcosIsNotAHero na sumikat matapos palihim na inilibing ang dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Naging popular din ang #MarcosMagnanakaw na isinama sa posting ng mga imahe sa protesta laban sa paglilibing sa napatalsik na pangulo.

Naging popular din sa mga nag-protesta ang paggamit ng #Hukayin, na patungkol sa paglilipat sa labi ng human rights violator na si Marcos sa ibang libingan o ibalik ito sa Ilocos.

Pero ang paborito ko, ay ang #DuterteTuta. Dati ang pagiging tuta ni PDuterte ay patungkol sa kung paano sambahin nito ang mga Instik.

Nitong mga huling araw, ito ay patungkol sa kung paano niya sinusunod lahat ng utos ng pamilya Marcos.

Kayo, ano ang paborito nyo?

No comments: