Thursday, November 17, 2016

Extra Judicial Killings

Image result for extra judicial killings imageKung may 2016 Words of the Year, maituturing na pangunahing kandidato ang Extra Judicial Killings, na ang ibig sabihin ay pagpatay sa isang tao ng mga nasa kapangyarihan (tulad ng pulis o sundalo) na walang legal na proseso.

Karaniwang target ng Extra Judicial Killings o EJK ang kalabang politiko ng mga nasa kapangyarihan, trade union leaders, religious leaders o mga kilalang tao sa lipunan pero kalaban ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang EJK ay nakakabit sa giyera kontra droga ng Pamahalaang Rodrigo Duterte-Bongbong Marcos. Dati o noong panahon ni Ferdinand Marcos, ang EJK ay nakatutok sa mga aktibistang kalaban ng diktadura.

Tuesday, November 15, 2016

Kasama ka bang malilibing sa LNMB?

Image result for ferdinand Marcos image
MINSAN habang binabagtas ng sinasakyan kong jeepney ang kahabaan Quezon Avenue ay napaisip ako at natanong sa sarili kung ano ang sumasagi sa isipan ng mga kasabay ko kapag naririnig nila ang balita ukol sa paglilibing sa diktador at human rights violator.

Sa araw-araw na pakikipagtagisan sa kapalaran, pagkimi sa galit na dulot ng napakabigat na trapiko, hindi tumataas na sweldo, mga problema sa bahay, trabaho at maging sa love life, nakakabuo pa kaya sila ng opinyon ukol sa paglilibing kay McCoy sa Libingan ng mga Bayani (LNMB)?

Naiisip pa ba nila kung tama ang sinasabi ng mga anak ni McCoy na mag-move on na tayo at ilibing na sa LNMB ang diktador? Dahil anila, hindi naman ililibing si McCoy bilang bayani kungdi bilang isang sundalo.

Friday, October 24, 2014

Politically motivated

Ano ba ang ibig sabihin ni Vice President Jejomar Binay at ng kaniyang mga kaalyado na ang imbestigasyon sa kanyang tagong yaman ay "politically motivated"?

Dahil kung ako ang tatanungin, wala namang masama kung politics ang motibasyon dahil maraming bagay na ang motibasyon kaya isinusulong ay politics kaya nga may tinatawag na politically motivated arts, politically motivated movies, politically motivated food, politically motivated rallies, politically motivated fashion, politically motivated writings, politically motivated nudity at dito sa Pilipinas marami ang matatawag na politically motivated fools.

Isang example ng politically motivated art ay ang larawang nasa bandang kanan. Ang poster na ito ay hango sa "obey" print ni Shepard Fairey at pinalitan ni Andraw Lowe ng larawan ni Chinese artist and activist na si Ai Weiwei. Pinalitan din ni Lowe ang mensahe na kaysa "Obey" ay Chinese characters para sa "love the future" ang mababasa.

Thursday, October 16, 2014

Misery loves company

Sa edad na 71, nagiging makakalilimutin na ba si Vice President Jejomar Binay?

Naitanong ko ito dahil tila nakalimutan na ni VP Binay kung paano nanilbihan si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo at ngayon ay mas pinapaboran pa niya ang dating pangulong humaharap ngayon sa sandamakmak na kaso ng pandarambong.

Nakalimutan na ba ni Vice President kung paano kinurakot ni GMA ang kaban ng pamahalaan at gumawa ng pera sa pakikipagsabwatan sa mga Intsik na nakipagkontrata sa pamahalaan?


Vice President Binay, hayaan po ninyong tulungan ko kayong  maalala ang mga "himalang" nangyari noong panahon ni GMA.