ang larawan ay mula sa inquirer.net |
i am reblogging this piece from pinoyjedi (http://edchavez.wordpress.com/) na napublish noong enero 1, 2011. mukhang nagkatotoo ang isa sa mga kahilingan niya!!!
Karaniwan, ang impresyon ng mga tao sa Pilipinas ay bansa na karaniwan na ang korapsyon sa pamahalaan. Totoo naman ito. Lagi tayong topnotcher sa pinaka corrupt na bansa ayon sa Transparency International.
Noong kampanyang elektoral, ito ang pangunahing campaign line ni Noynoy Aquino. Ngayong nakaupo na siya, malalaman natin kung totoo siya sa pangakong sugpuin ang korapsyon. Isa ito sa susukatin sa kanya ng mga tao.
Anim na buwan mula nang manungkulan, sumambulat ang pinaka-engrandeng kaso ng korapsyon– KORAPSYON sa MILITAR.
Isyu na naging dahilan sa pagkakakulong ng mga junior officers– ipinakulong ni Gloria at mga tuta niya. Kumanta si Rabusa. Sabit sina Reyes at iba pa. Pati na si Gloria.
Alam natin na hindi naman korapsyon lang ang problema sa ating bansa. At lalong hindi korapsyon ang ugat ng problema ng bansa— kundi mga pansistemang problema. Pero mabuti na lamang at seryoso si Noynoy na harapin ang usapin ng korapsyon, partikular itong mga bagong mga bulate ng kaso na lumabas sa lata ng imbestigasyon.
Medyo mabigat na laban ito. Militar pa ang kinalaban niyo, ika nga. Sabi ng Pangulo, imbestigahan ito, sa layuning may maparusahan. Tama. Dapat may managot. Pera ng taumbayan ang ninanakaw niyo. Ang daming gutom na Pilipino, tapos kayo, buhay milyonaryo o bilyonaryo dahil sa perang ninakaw niyo? Wala nang hiya ang mga to. Kaya ang hirap sabihang “Mga walanghiya kayo!” Wala ring epekto. Ano kaya ang dapat gawin sa mga hayup na to?
Sa ibang bansa, pag nasangkot sa anomalya ang mga lider, sila mismo ang nagre resign o minsan pa ay nagpapatiwakal. Ganun na lang sana no?
Pero dahil nga hindi rin nila gagawin yun… nananawagan na lang ako sa mga mangkukulam na may diwang makabansa. alam niyo na ang gagawin niyo siguro..:-)
Tayo namang taumbayan, ano ang gagawin natin? Tatanghod lang ba? Magkibit balikat? Dating gawi? Sana naman hindi.
Tingnan niyo mga Arabo. Pero sa atin sila natuto!
Korapsyon sa gobyerno. Sa military. Sa LTO. sa iba’t-ibang ahensya. sa kapitolyo. sa munisipyo. city hall. hanggang sa barangay. paano ito masusugpo?