Tuesday, March 22, 2011

Brand X



 Usapan ng mag-ina habang pinapaliguan ang anak.

Anak: Mom can I use this soap?

Nanay: Hindi puwede anak,  ito ang gamitin mo.

Anak: Bakit Mommy, brand x ba ito?

Galing sa barkada ko ang kwentong ito. Nangyari ang kuwentuhan habang pinapaliguan niya ang kanyang bulilit matapos ang maghapong paglalaro.

Siyempre, nakuha ng musmos na bata ang ideya ng brand x sa kanyang napanood na advertisement sa telebisyon.



Brand X. Ito ang sumasalamin sa kulang sa kalidad, walang saysay na produkto na kadalasang ibinabangga ng iba't ibang kumpanya sa kanilang ipinagmamalaking sabon, shampoo, toothpaste, tsinelas, brief, tv, refrigerator, washing machine, ketsup, patis, toyo at bagoong.

Walang ligtas na tao sa mundong ito laban sa ganitong klase ng advertisment dahil ang pinaglalabanan dito ay hindi lamang kung ano ang pinakamabula, pinakamabango, pinakamatamis, pinakamaalat, at pinakamahusay na produkto kungdi ang may pinakamalaking benta at kita.

Bilyong bilyong dolyar ang ginagamit ng mga kumpanya, lokal man o multinationals upang maisulong nila ang kanilang mga brands. Kaya nga may naimbento pang siyensiya tungkol dito na kung tawagin ay brand management o managing na ibinabangga naman sa consumer preference o yong mga kagustuhan ng mga mamimili.

Kaya't masasabing ang karamihan ng produkto sa merkado ngayon ay hindi naman bago, kungdi tahasang binuo ng mga kumpanya para sa masunod ang kagustuhan ng mga mamimili. Maganda di ba. Pero sa huli, masasabing binibingwit lamang ng mga kumpanya ang ating mga bulsa upang bilhin ang mga produktong nasa merkado dahil ito ay nakabase na sa ating kagustuhan.

Kaya nga ang tawag sa mga consumers ngayon ay brand generated. Ibig sabihin ay binibili natin ang kung ano-anong bagay kahit hindi kailangan kungdi dahil nahagip ng mga advertisers ang ating pag-iisip dahil sa alam nila ang ating kagustuhan.

Hind lamang brand, kungdi buong lifestyle ang ibinebenta sa atin. Ang mga produkto ngayon ay ibinebenta upang anila'y maging maginhawa, mas matipid, mas malusog, o minsa'y upang mas maging magastos ang ating pamumuhay.





Kung tutuusin lahat tayo ay maituturing na brand. Bawat tao ay may ipinapakitang mga kanais-nais at kung minsa'y kinakainisang karakter.

Tulad ni impeached Ombudsman Merceditas Gutierrez. Isa siyang brand ng kakapalan ng mukha, gayundin si Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero si Arroyo ay mas malaking brand. Maliban kasi sa kapal ng mukha, itinuturing siyang brand para sa corruption, nepotism at iba pa. Dinadala niya ang lahat ng ayaw mo para sa isang public servant.

Ika ng mga kaibigan kong sosyalin, branded! At kung si Merceditas ay isang Coach bag, si Arroyo ay Gucci.

Saturday, March 19, 2011

Blue Gold



"Darating ang araw, maging hangin ay bibilhin natin," ito ang minsa'y nasambit ng aking yumaong lolo. Nasabi niya ito dahil sa tumataas na halaga sa pagbayad ng kuryente at tubig.

Kahit paano'y tama si lolo. Lahat kasi ng bagay ngayon ay natutumbasan ng halaga. Hindi ba't kaya tumaas ang lupa sa Antipolo at San Mateo sa lalawigan ng Rizal ay dahil lumilipat ang mga tao dun upang makalanghap ng sariwang hangin? Hindi man nila binili ang hangin, binili nila ang mga lupa kung saan may sariwang hangin.

Dito kasi sa Metro Manila iba-iba ang masisinghot mo. May usok mula sa mga sasakyan, may usok mula sa yosi, may usok mula nagsusunog sa kalye. Minsan nga may nakita ako ng nagsusunog ng basura diyan sa  EDSA sa may Quezon Avenue.

Thursday, March 17, 2011

Yin Yang


Sa mga Intsik ang character para sa oportunidad at sakuna ( (simplified Chinese: 阴阳; traditional Chinese: 陰陽; pinyin) ay halos magkamukha. Dahil para sa mga Chinese may oportunidad sa sakuna at minsan nama'y ang oportunidad ay nagiging sakuna.

Ang tawag sa konseptong ito ay Yin Yang. Pumasok ito sa isip ko dahil sa lindol at tsunami na naganap nitong nakaraang linggo sa Japan. Isang delubyo ang sinapit ng bansa at tinatayang aabot ng bilyon-bilyong dolyar ang inaashang pinsala sa ekonomiya ng Japan.

Friday, March 11, 2011

Tsunami

Hindi nakakapagtaka na sa Hapon nahango ang salitang TSUNAMI, na ayon sa wikipedia ay nangangahulugan na "mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay mapapansin at napakalala."




Ayon naman sa National Geographic sa mga malalakas na tsunami umaabot sa 100 talampakan o mga 10 palapag na gusali ang taas. Karaniwang nagsisimula ang malalaking tsunami kung lumindol sa ilalim ng karagatan o kaya'y may sumabog na bulkan na nasa ilalim ng karagatan.