Monday, May 23, 2011

Fish be with you


Ano ang paborito mong isda? O ano ang paborito mong pagkain na may kasamang isda?

Dahil Bulakenyo ako, ang paborito ko ay paksiw na bangus na ang ginamit na suka ay ang nangingitim sa asim  mula sa Paombong. Dagdagan mo ito ng konting asin, luya, bawang at sili. Langit na di ba? Kung minsan ay sinasahugan ng ampalaya o talong para sa dagdag na lasa. Malasa rin ang ulo ng bangus, lalo na yong mata. Sarap sipsipin.

Ha ha ha.

Wednesday, May 18, 2011

Si Manny, Si Rose, Si Krista at ang RH Bill


Tulad ng milyon-milyong Pinoy, idol ko si Manny Pacquiao. Hindi maitatanggi na pambihira siya. TNL, anila. Walang inuurungan, walang sinasanto, lahat nilalabanan. At dahil dito, limpak-limpak na salapi ang kanyang kinita. Hindi nga ba't kamakailan ay napabalitang ang Pinoy boxer ang highest paid professional athlete sa buong mundo. Paldo!!! 

Bagamat hindi ako sang-ayon na pumasok siya sa pulitika, iginalang ko ito kahit na alam kong ang kanyang pagpasok dito ay bunsod ng kanyang pagiging malapit kay GMA, kay Singson at maging kay Lito Atienza, ang dating mayor ng Lungsod ng Maynila. Bigatin!!!

Katunayan sinuportahan pa ni Pacquiao ang pambata ng Malakanyang nitong nakaraang halalan. Nahalata tuloy ang koneksyon ni Villar kay Gloria kaya't lalong kumapit ang bansag na Villaroyo.

Monday, May 16, 2011

Walden's Privilege speech re Oil Price




Narito ang privilege speech ni Akbayan Rep. Walden Bello nitong Marso 16, 2011 sa Mababang Kapulungan. Tinalakay ni Walden kung bakit mahalagang tutukan ng pamahalaan ni PNoy ang ekonomiya. Nagbigay muli si Walden ng ilang "unsolicited advice" sa pamahalaan kung paano maisasaayos ang ekonomiya.

Setting Fair Oil Prices for the Filipino People


A year after its election, the administration can point to the high economic growth rate, particularly in agriculture, as one of its achievements. 

However, perhaps more than economic growth, people prize economic stability, and the way things are going right now, there is a sense of things slipping out of control. The main challenge citizens want the administration to meet is, far and away, the economy.  And among the economic issues, inflation receives the highest priority as a problem that must be addressed by the government in a recent Pulse Asia survey, with some 53 per cent of respondents citing it.

Sunday, May 15, 2011

Tawad

Nitong mga nakaraang linggo ay sumikip ang trapiko sa mga daaanang malapit sa malls. Ang siste ay kanya-kanyang gimik ang mga malls sa pagbibigay ng discount sa kanilang taunang "Summer Sale". Kaya ang dati'y tila nilalangaw na mga shopping mall ay pinutakte ng mga mamimili.

May ibang malls na nagmamayabang na hanggang 70 porsiyento ang diskuwento sa mga piling damit, gamit, at iba't ibang "branded" at "generic" goods.