Photo by http://www.thepoc.net |
"Subukan natin ang Bicol Express."
Ito ang hamon sa akin ng isang kaibigan habang nagkukuwentuhan over beers kamakailan.
Sabi ko sa kanya ay hindi ako mahilig sa maaanghan pero puwedeng subukang pulutan. "Umorder ka na," tugon ko.
Pero hindi pala ang Bicol Express na pagkain ang tinutukoy ng kaibigan ko kungdi ang PNR train na simula sa Hulyo ay bibiyahe mula Tutuban hanggang Naga City.
Katunayan ilang piling media practitioners ang kamakailan ang naka-buena mano sa biyaheng Bicol nito lamang Mayo 22.
Hindi brand new ang mga trains kungdi donations mula sa Japan. Pero para sa PNR, puwede na ito sa pagtakbo ng mga regular trips papuntang Bicol at pabalik dito sa Metro Manila.
Nitong Mayo 29 ay muling nagsagawa ng trial run ang PNR at mula Maynila hanggang Bicol ay 10 oras lamang ang tinagal ng biyahe.
Pero para sa mga kabababayan nating uragon, malaking biyaya ang pagbabalik ng train service na ito matapos na mahinto sanhi ng pinsalang idinulot ng mga bagyong Milenyo at Reming.
Ang maganda pa sa mga bagong train ay mayroong coaches at solo cabins. Para sa mga gustong makaranas ng biyaheng Bicol, may promo ang PNR at ang Manila to Naga fare ay P500 para sa reclining coaches, P700 to P800 sa mga sleeper coaches at P1,000 to P1,400 for the VIP o solo cabins.
Photo by http://www.thepoc.net |
Mura na, nakapamasyal ka pa. At airconditioned ang mga coaches.
At upang masiguro ang seguridad sa biyahe, may mga security guards sa train.
Hindi ka rin magugutom kung nalimutang magdala ng pagkatain dahil may mga dining carts sa train.
Ano pa ang hinihinay mo?
Mag-Bicol Express na!!!