Tuesday, May 31, 2011

Kahirapan sa gitna ng kayamanan



Rich Resources, Poor Protection; Poverty Amidst Wealth: The Philippine Fisheries Resources And The Filipino Fisherfolks
Privilege Speech of Rep. Kaka Bag-ao, AKBAYAN Partylist
Delivered on May 30, 2011 / Plenary Hall, House of Representatives

Mga ginagalang kong kapwa mambabatas, magandang gabi sa inyong lahat. Today, I rise on a matter of personal and collective privilege, to speak on behalf of one of the poorest sectors of our society, the Filipino fisherfolks. It is an opportune time to raise the concerns of the fisherfolks of our country today as we are already at the tail-end of the month of May, which was declared as Ocean Month by virtue of Presidential Proclamation No. 57 series of 1999.

As an archipelago, the Philippines has an estimated 2.2 million square kilometres of sea and around 18,000 kilometers of coastline. It is blessed with abundant marine and aquatic resources that are rich in bio-diversity and value.  Our seas, rivers and lakes are among our country’s coveted wealth that has made us among the world’s largest 40 fish producing countries. In fact, we have been in the honor roll in terms of the world’s production of fish, crustaceans, molluscs, and aquatic plants where we ranked 8th in 2003 and in 2006, and our lowest is rank 14 in 1997.

Bicol Express


Photo by http://www.thepoc.net 

"Subukan natin ang Bicol Express."
Ito ang hamon sa akin ng isang kaibigan habang nagkukuwentuhan over beers kamakailan.
Sabi ko sa kanya ay hindi ako mahilig sa maaanghan pero puwedeng subukang pulutan. "Umorder ka na," tugon ko.
Pero hindi pala ang Bicol Express na pagkain ang tinutukoy ng kaibigan ko kungdi ang PNR train na simula sa Hulyo ay bibiyahe mula Tutuban hanggang Naga City.
Katunayan ilang piling media practitioners ang kamakailan ang naka-buena mano sa biyaheng Bicol nito lamang Mayo 22.
Hindi brand new ang mga trains kungdi donations mula sa Japan. Pero para sa PNR, puwede na ito sa pagtakbo ng mga regular trips papuntang Bicol at pabalik dito sa Metro Manila.
Nitong Mayo 29 ay muling nagsagawa ng trial run ang PNR at mula Maynila hanggang Bicol ay 10 oras lamang ang tinagal ng biyahe.
Pero para sa mga kabababayan nating uragon, malaking biyaya ang pagbabalik ng train service na ito matapos na mahinto sanhi ng pinsalang idinulot ng mga bagyong Milenyo at Reming.
Ang maganda pa sa mga bagong train ay mayroong coaches at solo cabins. Para sa mga gustong makaranas ng biyaheng Bicol, may promo ang PNR at ang Manila to Naga fare ay P500 para sa reclining coaches, P700 to P800 sa mga sleeper coaches at  P1,000 to P1,400 for the VIP o solo cabins.
Photo by http://www.thepoc.net 

Mura na, nakapamasyal ka pa. At airconditioned ang mga coaches.
At upang masiguro ang seguridad sa biyahe, may mga security guards sa train.
Hindi ka rin magugutom kung nalimutang magdala ng pagkatain dahil may mga dining carts sa train.
Ano pa ang hinihinay mo?
Mag-Bicol Express na!!!

Wednesday, May 25, 2011

Boy Scout Law




Nagtataka man ako kung bakit kailangan pang gumawa ng survey ni Vice President Jejomar Binay kung dapat o hindi ilibing ang dating diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani ay naniniwala akong tumpak na desisyon ang kanyang gagawain para sa Pilipinas.

Unang dahilan na naisip ko kung bakit hindi niya lalapastanganin ang buhay at dugong inialay ng mga lumaban kay Marcos ay dahil isang tunay na Boy Scout si Binay.

Alam kong may Scout Honor si Binay. Hindi ba't ilang beses na nating nakita si Binay na nakasuot ng uniporme ng boy scout. At walang boy scout na tatalikod sa Scout Law na ang unang batas ay "A SCOUT'S HONOUR IS TO BE TRUSTED". Dahil dito, masasabi kong may tiwala akong gagawain ni Binay ang tama.

Ang ikalawang batas ng scouting ay "A SCOUT IS LOYAL". Tapat si Binay. Bagamat napabalita nitong nakaraang halalan na nagkaroon siya ng ibang relasyon maliban sa kanyang asawa ay naniniwala akong sa huli, ang katapatan ni Binay sa kanyang bansa ang magwawagi. Eh ano, kung medyo malapit siya kay Cong. Salvador Escudero III, ang dating Agriculgure minister ni Marcos at siyang may akda ng resolution sa Mababang Kapulungan na ilibig si Marcos sa Libingan ng mga Bayani? Sa huli ang katapatan ni Binay sa mamamayan ang masusunod.

Monday, May 23, 2011

Kasambahay


Iba't-ibang karapatan ang ipinaglalaban ng iba't-ibang grupo. Karapatan sa pagkain, sa tubig, pabahay, pag-uunyon, sa pananalita, edukasyon, at marami pang iba.

Pero ang hindi nabibigayan pansin ay ang karapatan ng mga domestic workers. Dahil dito, masasabing pagtahak sa tamang landas ang layunin ni Akbayan representative Walden Bello na bumuo ng alyansa kasama ang ibang mambabatas sa Asya upang kilalanin ang karapatan ng mga kasambahay. 

“Especially because the Philippines sends out domestic workers en masse, the government must play a major part in the creation of a framework protecting domestic workers rights,” ani Walden ukol dito.