Sunday, June 19, 2011

Pangungumpisal at si Rizal



Mayroon akong ikukumpisal. Hindi kay Padre Damaso kungdi sa mga kapwa ko Pilipino.


Hindi ako komportable na tawaging bayani si Rizal. Hindi ko rin tinitingnan na dapat siyang ituring na pambansang bayani ng Pilipinas.


Oo, magaling siyang manunulat. Napakabibo nga niya dahil maliban sa pagiging manunulat, isa rin siyang iskulptor, linguist, doktor sa mata, painter at posibleng magaling din siyang chef. Kung nabubuhay si Rizal ngayon, malamang na na-perpekto na niya ang sining ng multi-tasking.


Pero, bayani?

Wednesday, June 15, 2011

Kaibigan?

Laging nababanggit ang katagang "If you have a friend like the United States, you don't need enemies."

At sang-ayon ako rito.

Hindi totoong kaibigan ang Estados Unidos dahil ang palagi nitong inuuna ay ang sarili nitong interest.

Kaysa tulungan ang Pilipinas ay nabansot lamang ang ekonomiya at pulitika ng ating  bansa. Tandaan nating inubos ng US ang ating likas na yaman at sinuportahan ng kanilang pamahalaan ang diktadura ni Ferdinand Marcos.

Kaya't nang nabasa ko ang quote mula kay US Ambassador Harry Thomas ukol sa pagsuporta ng kaniyang bansa sa usapin ng Spratly, hindi ako nagtaka.

Wednesday, June 8, 2011

Chinese bully




Ano ba ang bullying? Sa salitang Pilipino ito ay puwedeng simpleng pang-aasar, pagsiga-sigaan, pagtataray o sa mga bading ay pang-o-okray.

Sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng pang-aasar, ito man ay sa opisina, iskuwelahan o sa mall?

Ayon sa http://www.bullyonline.org ang dahilan ng bullying ay itago ang kakulangan. Isinasangkot ng mga siga ang ibang tao para mapagtakpan ang sariling kakulangan.

Ginagawa rin ito upang magkaroon ng dahilang maiwasan ang responsibilidad sa kanilang mga nagawa o ginagawa at ang epekto nito sa ibang tao. 

Tuesday, June 7, 2011

Singilan na


May dahilan ang mga magsasaka na singilin ang pamahalaan ukol sa reporma sa lupa dahil libo-libong ektaryang lupa ang hindi naipamahagi ng pamahalaan bagamat may batas tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL). At kahit nagkaroon ng extension ang batas sa ilalim ng Carper, 997,728 ektaryang lupa ang nananatiling nasa kamay ng mga landowners.

Ang masakit pa rito, kaysa ipaglaban ng mga nakaraang pamahalaan ang pamumodmod ng lupa base sa CARL, mismong ang pamahalaan ang gumagawa ng paraan upang hindi maipamahagi ang mga lupa.