Monday, July 18, 2011

Puruhan ang West Philippine Sea




May mga nagsasabing hindi malakng usapin ang West Philippine Sea para sa mga pangkaraniwang Pilipino, na ang tutok ay ang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, trabaho at iba pa.

Pero sa aking pananaw hindi dapat isalansan ang isyu sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino dahil magkaibang usapin ito bagamat may kaugnayan.

May mga nagtatanong naman na naghahanap daw ba ng away ang Pilpinas laban sa higanteng Intsik. Sabi nga ng barbero ko, mahirap na magkapikunan dahil tiyak na lalamunin tayo ng mga Intsik kapag nakipagrambol tayo sa kanila. Maging si Rambo, aniya, ay hindi kayang pumalag sa kanila dahil sa bilang pa lamang ng populasyon ay talo na tayo, idagdag pa ang lakas ng kanilang mga "tools".

Tuesday, July 12, 2011

Magulo


Narito ang legal notes ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao upang linawin ang magulong desisyon ng Korte Suprema ukol sa usapin ng Hacienda Luisita.

Void or Valid? : The legal acrobatics of the Supreme Court decision in Hacienda Luisita
By Akbayan Rep. Kaka Bag-ao

Decision or Confusion?

In its decision dated July 5, 2011, the Supreme Court affirmed the resolution of the Presidential Agrarian Reform Council (PARC) revoking the Stock Distribution Plan (SDP) of the Hacienda Luisita Inc. (HLI). At first glance, it may seem that the decision is a victory for the farmers. However, a close reading of the lengthy decision will show that it leaves much to be desired.

To be fair, the decision did have some positive aspects.  It made an assertion that the revocation of the SDP is not an intra-corporate dispute and that the SDOA is a special contract imbued with public interest and is primarily governed by the provisions of RA 6657.

Friday, July 8, 2011

Ituloy ang rebolusyong Magdiwang


IPINAGDIWANG kahapon Hulyo 7 ang ika-119 na anibersaryo ng Katipunan o ang Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ang rebolusyonaryong samahang itinatag ni Andres Bonifacio upang palayasin ang mga mananakop na Kastila.

Tatlo ang layunin ng Katipunan at pangunahin dito ay ang pampulitikang layuning makalaya sa pananakop ng mga Kastila matapos magdeklara ng kalayaan.

Isa pang layunin ng Katipunan ay ang ituro sa mga Pilipino ang magandang asal at bantayan ang mga sarili laban sa panatisismong relihiyon.

Tuesday, July 5, 2011

Niluto ng Korte Suprema



Sabi nga ng Eraserheads, nakakatindig balahibo.

Ganito ang dating sa akin ng desisyon ng Korte Suprema nang balewalain nito ang Stock Distribution Option (SDO) na ipinamahagi ng Cojuangco family sa mga magsasaka kapalit ng lupa sanang ipapamudmod base sa agrarian reform law ng bansa at muling ipag-utos ang pagsasagawa ng referendum kung ano ang mas gusto ng mga magsasaka-stock certificates o lupa.