May mga nagsasabing hindi malakng usapin ang West Philippine Sea para sa mga pangkaraniwang Pilipino, na ang tutok ay ang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, trabaho at iba pa.Pero sa aking pananaw hindi dapat isalansan ang isyu sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino dahil magkaibang usapin ito bagamat may kaugnayan.
May mga nagtatanong naman na naghahanap daw ba ng away ang Pilpinas laban sa higanteng Intsik. Sabi nga ng barbero ko, mahirap na magkapikunan dahil tiyak na lalamunin tayo ng mga Intsik kapag nakipagrambol tayo sa kanila. Maging si Rambo, aniya, ay hindi kayang pumalag sa kanila dahil sa bilang pa lamang ng populasyon ay talo na tayo, idagdag pa ang lakas ng kanilang mga "tools".