Tuesday, July 26, 2011

Black Gold


Kadalasang nagsisimula ang araw ko sa pag-inom ng mainit na brewed barakong kape. At kadalasan ding nagwawakas ang araw ko sa pamamagitan ng isa pang mug ng matapang na barakong kape. Lalu ngayong tag-ulan, napakasarap uminom ng kape.

Nito lamang Sabado nang dumalaw ako sa Lipa City para sa isang seminar, nag-uwi ng isang kilong barako, ang pinakapaborito kong kape. Sa tantiya ko, umaabot lamang ng isang buwan ang isang kilong kape sa bahay at kung minsan ay kapos pa nga laluna't makikiinom ang mga kapitbahay kapag nalanghap nila ang napakabangong amoy ng barakong kape.

Kaya't sinasamantala ko ang mga pagkakataon na puwede akong magpabili ng Kape sa Batangas o maging sa Baguio na kung saan mabibili ang mga "high land" coffee mula sa Banawe at Sagada.

Monday, July 25, 2011

SONAbabits!


Nagustuhan ko ang talumpati ni PNoy sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Dahil Pilipino at minsa'y balbal pa ang kanyang ginamit na wika, naniniwala akong naintindihan maging ng pangkaraniwang mamamayan ang kanyang mensahe.

Nakakatuwa ang mga salitang UTAK WANGWANG, TONGPATS, MADYIK, BUWENAS, 5-6 at DELIHENSIYA. Gumamit pa siya ng NAMAN upang bigyang diin ang kababaan ng ipinapakitang kinikita ng mga propesyunal sa bansa upang hindi magbayad ng malaking buwis.

Friday, July 22, 2011

Astig




Nakakatuwa na may mga kongresistang tulad nina Walden Bello at Atty. Kaka Bag-ao na tumatayo at ipinaglalaban ang ating kasarinlan.

Isang halimbawa nito ay pagbisita ng dalawa kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan at militar sa Pag-asa Island sa kabila ng pananakot ng mga Intsik na makakaapekto ito sa relasyon ng dalawang bansa.

Nakakatawa dahil bakit kokontrahin ng mga Instik ang pagpunta ng mga Pinoy officials sa naturang lugar na sakop naman natin. Nagmukha tuloy engot ang mga singkit.

Dahil sa Spratly issue napatampok ng dalawang kongresista na hindi lamang dapat sa salita ipinapakita ang pagmamahal sa bansa kungdi sa aksyon.

Astig kong itinuturing si Walden at Kaka

Boycott Dusit Hotel




Nakakahindik.

Ito ang aking naging reaction sa balitang idinaos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Dusit Thani Hotel ang hosting ng ASEAN Meeting Concerning Trafficking of Persons (TIP).

Magandang natutukan ng DILG at ng pamahalaan ang ganitong problema, pero bakit sa Dusit Thani Hotel ito ginawa?

Hindi ba alam ng DILG na kasalukuyang may panawagan ng iboykot ang naturang hotel dahil sa pagmamalabis ng management nito sa mga unyonista.