Sunday, August 7, 2011

Luha at poot


Nang mabasa ko kung paano at bakit nagpatiwakal si Atty. Benjie Pinpin ay lumuha ang puso ko. Pero nung nabasa ko ang mga suicide letters niya sa kanyang asawa, anak at ina ay napuno ng galit ang buong pagkatao ko.

Hindi lang nakakapanindig ng balahibo bagkus nakakagalit ang mga pangyayari.

Narito ang isang abogado na naghahangad ng magandang buhay, maayos na career at mabungang kinabukasan para sa kanyang pamilya at mga anak pero napilitang isuko ang buhay dahil nasangkot sa korapsyon.

Thursday, August 4, 2011

6k and counting


Hindi ko ito inaasahan. Pero salamat sa mga bumisita sa blog na ito na ngayon ay umaabot na ng 6,000.

Nagdadalawang isip talaga ako na gumawa ng blog dahil ang hirap mag-maintain nito.

Ang unang ikinakaba ko ay ano ang isusulat ko.

Ikalawa ay may magbabasa ba nito.

Ang ikatlo ay pagkakaperahan ko ba ito, he he he.

Yong una ay medyo nareremedyohan ko naman. Kahit ano ay isinusulat ko. Hindi lang yata kasama rito ay ang pangungulangot ko.

At sa ikalawa ay napatunayan ko namang may nagbabasa naman pala ng mga bagay na walang kalatuy-latoy.  He he he...

Ang hindi ko pa nagagawa ay iyong ikatlo. 'Yon yata ang pinakamahirap.

Salamat Kid_Kilatis at napilit mo akong magsulat. 


Wednesday, August 3, 2011

Nabahag ang buntot


Mabuti na lang at hindi ko ibinoto itong si Migz Zubiri noong 2007.

Dahil malamang masasayang lang ang boto ko sa kanya. Isipin mong nag-resign dahil aniya'y nasasaktan ang kanyang pamilya sa mga chizmiz na damay siya.

Mga chizmiz ito na aniya'y idinadawit siya sa dayaan noong 2007.

Bwahahahahaha, sabi ko na nga a eh, walang bayag itong si Migz. Sa tingin ko nga mas maganda pa siya sa misis niyang hindi maitatawang pang-beauty queen ang beauty.

Tuesday, August 2, 2011

Ulan at kape


"LIKE" ko ang tag-ulan kaysa sa tag-araw. 

Bakit kamo?

Kapag umuulan, masarap matulog. Habang nakahiga ka ay tila ipinaghehele ka ng bawat patak na tumatama sa bubong at hinahabol ng guni-guni mo ang musikang nabubuo sa bawat kalampag at tikatik nito.

Masarap ding kumain kapag umuulan lalu na kung ang ulam ay may sabaw. Nilagang baka, pata ng baboy o kaya'y sinampalukang manok. Panalo. Plus one ika nga sa Google+ o kaya'y like kung sa Facebook.