Karma? Ito na kaya ang nararanasan ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang pamilya?
Bago natin ito sagutin, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng karma. Ayon sa isang wikipedia article, ang literal na kahulugan ng karma ay mga "gawa" o "kilos" pero hindi lamang sa pisikal kungdi maging sa pag-iisip at salita.
Ito ay nangangahulugan din na ang bawat kilos natin ay may kaakibat ding kontra kilos. Mas madaling maintindihan ito sa paliwanag na "Kung ano ang itinanim, ito ang iyong aanihin."
Samakatuwid mga repapips, inaani na kaya ni Gloria ang bunga ng kanyang mga itinanim? Ano-ano ba ang masasabi nating "itinanim" ni Gloria at bakit masasabi nating nakakarma siya?