Wednesday, November 23, 2011

Ang ayaw may dahilan, ang gusto may paraan


Naka-hospital arrest ngayon si Gloria Macapagal-Arroyo. Pero bago siya inaresto ay sinubukan niyang makatakas patungo sa ibang bansa upang ipagamot ang kanyang karamdamang indocrine disorder.

Pero isa ako sa naniniwalang ginagamit lamang ito ni GMA upang maka-eskapo at nagpapasalamat din ako sa ginawa ni Sec. De Lima na pagpigil na makalipad palabas ng bansa ang dating pangulong itinuturing na pinaka-corrupt sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sabi nga ng lolo ko ang taong "may ayaw may dahilan at kung gusto may paraan."

Sinabi pa ng lolo ko na ang taong sinungaling kapatid ng magnanakaw. Pero sa tantiya ko pamilya ng magnanakaw ang mga Arroyo. Nasangkot sa anomalya ang asawa ni Gloria na si Atty. Mike Arroyo, ganun din ang anak nilang si Mikey, na tinutugis naman ng Bureau of Internal Revenue dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Dahil nga maituturing na mga kawatan, kaya't naniniwala akong tama ang pagkontra ni Akbayan Party Rep. Kaka Bag-ao na pigilin ang mga kaalyado ni GMA na gawaing "shelter" ang Mababang Kapulungan para sa inuusig na si Gloria.

“The people’s right to justice must take precedence over the right of a single individual. The Minority should stop treating this House as if it were a shelter for crooks, plunderers, and criminals,” wika ni Rep. Bag-ao.

“If there is anything that needs protection from this august chamber, it is the rule of law that is now being bastardized by the machinations of the people that GMA has put in key positions during her incumbency as president,” dagdag ni Rep. Bag-ao.

Tama hindi nga naman dapat gamiting kanlungan ng mga mandarambong at kriminal ang Mababang Kapulunga!!!




Mangingisda, nalulunod




Nalulunod sa nakaliliyo at naglalakihang alingasngas na balita ang kasalukuyang kalagayan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

Bagamat may mga batas tayo upang sumusuporta sa mga mangingisda, na siyang naghahatid ng mga talakitok, lapulapu, tuna, galunggong, mayamaya at iba pang isda sa ating hapag kainan, masasabing hindi naman ito naipapatupad.

Hindi rin nakakatulong sa mangingisda ang paglalagay ng mga fishpens sa iba't ibang lugar sa ating karagatan dahil tanging mayayamang negosyante lamang ang may kayang mangapital sa mga katulad nito.

Tuesday, November 22, 2011

Mugshots ni GMA

Ang mga mugshot na ito ay mula sa mugshots.com

Makikita ang mga mugshots ni GMA sa itaas. Ito ay mula sa mugshots.com, isang website na ang niche ay mag-post ng mga mugshots ng mga kilalang tao sa buong mundo.

Hindi ko alam kung paano nakuha ng website ang mga larawang ito. Pero alam naman ng karamihan na ang mga larawan ay nabibili upang mailagay sa mga tulad nitong websites.

Monday, November 21, 2011

GMA dapat mag-resign o suspendihin


Ngayong naaresto na si Gloria Macapagal-Arroyo, dapat na siyang magbitiw bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga.

O kung hindi man siya magbibitiw bilang kongresita ay dapat siyang suspendihin.

Simple lang naman ang dahilan eh.

Kung talagang may sakit siya at dapat niyang magpatingin at magpagamot, dapat ang inuna niya ay ang pagbibitiw upang makapamili ng papalit sa kanya bilang kinatawan ng kanyang distrito at constituents.