Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga taga-Pandacan nang ginawa nilang Hermana Mayor ang asawa ng dating diktador at human rights violator na si Ferdinand Marcos.
Makikita sa larawan sa itaas ang screenshot ng mypandacan.com at doon ay tila ipinangangalandakan pa na si Imelda, ang Ina ng Diktadura sa binansagang Conjugal Dictatorship at ngayon ay kinatawan ng Ilocos sa Mababang Kapulungan, ay kasama nila sa larawan.
Tumayo ang balahibo ko. Nanlaki ang mata ko. At napamura ako ng "EntengInaNyo" nang tumambad sa akin ang larawan ito. Sigurado ako na kung buhay si Fr. Jacinto Zamora, ang isa sa binansagang GomBurZa at taal na Pandaqueno, ay malamang binaston niya ang mga taga-Pandacan. Kasama ni Fr. Zamora sina Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez na ginarote ng mga Kastila dahil kasama sila sa mga naghimagsik laban sa mga mananakop.