Friday, March 9, 2012

Kasanayan


Here is a short video about a guy who makes banjo for a living. Kakaiba di ba?

Sa kasalukuyang panahon kasi, kapag ikaw ay nagsarili sa isang negosyo memenosin ka ng mga kaibigan, kukutsain ng mga kapamilya lalupa't  napakasimple ng bagay na iyong ginagawa pero hindi naman pinagkakaperahan ng malaki.

Sabi nga ay walang pera sa art unless na lang na pintor ka at namatay, siguradong tataas ang presyo ng iyong mga piyesa.

Sunday, March 4, 2012

Ermat

Kapag may dinaramdam ka sino ang naiisip mo  ?

Marami na kasing pagkakataon na kapag dinadapuan ako ng sakit, ang nanay ko ang naiisip ko. Automatic iyon. Naiisip ko agad si Ermat.

Sigurado kasing alam niya ang gagawain kung paano maiibsan ang nararamdaman ko. Iba talaga ang mga nanay, haplos lang ng kanilang mga palad ay parang nawawala na ang sakit na iyong nararamdaman.

Sa mga pagkakataong ganoon, mararamdaman mo kung gaano kahalaga ang iyong ina sa kabila ng mga isinusumbat nating pagkukulang niya.

Ayaw kasi natin ng pakialamerang nanay, madaldal na nanay, mataray na nanay o kaya ay istriktong nanay.

Naranasan kong lahat ito sa nanay ko. Nakikialam sa buhok ko, dinadakdakan ako kapag may mga ginawang iresponsable, tinatarayan kapag may mga pagkakamali at itinatama sa tingin niya ay wastong ugali.

Pero nong napaaway ka sino ba ang kakampi mo? Parang shock absorbers natin ang mga nanay, sila ang tumatanggap ng mga kaldag sa ating buhay di ba?


Wednesday, February 29, 2012

Quicky

Mahilig ako sa quicky. Pero hindi ito yong quicky na nasa isip mo, dahil kapag ang nasa isip mo ang quicky na gusto ko, dapat matagal.

He he he.

Pero, ang gusto kong mga quicky ay short films.

Marami nito sa internet at talaga namang nakakaingganya.

Nangunguna sa mga short films na gusto ko ay animated at may pamagat na One Minute Fly.


Friday, February 10, 2012

Presyo ng Hacienda Luisita, pang-Guinness World Record!!!

Sampung bilyon o P10,000,000,000.

Sa zeroes pa lang panalo na ang mga Cojuangco sa laki ng  hinihingi nilang kabayaran sa Hacienda Luisita, na binili ng mga ninuno nina Peping Cojuangco mula sa utang sa kaban ng bayan. Nangako ang mga Cojuangco na pagkatapos bilihin ay ipamamahagi ang mga lupa kaya sila pinautang ng pamahalaan.

Base sa ganitong halaga, lumalabas na P2,000,000 kada ektarya ang lupa ng mga Cojuangco, ayon sa Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan).

Susmaryahosep!!! Kahit pagbalibaliktarin mo ang Bangko Sentral ay hindi kakayanin ang ganitong halaga.

Ano ba ang akala ng mga Cojuangco, mala-Bonifacio Global City ang dating ng Hacienda Luisita.

Aba, Hindi na ito simpleng negosyo, kaganidan na ito.

Ayon pa sa Katarungan, malaki pa ang halagang hinihinging kapalit ng mga Cojuangco sa total budget ng Department of Agrarian (DAR) para mabili ang 300,000 ektaryang ipapamahagi para sa 2012.