Sunday, March 18, 2012

Feisty Cristy

Cristy Ramos
Maraming nagsasabing si Cristy Ramos ang anak na lalaking hindi naibigay ni Ming Ramos sa kanyang asawang si dating heneral at pangulong ng Pilipinas na si Fidel Ramos.

Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.

Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.


Thursday, March 15, 2012

Ang Sigaw

Isa sa mga sumikat na prints ni Norwegian artist Edvard Munch ay ang The Scream, na isang serye ng mga expressionist paintings. Ilang version ng The Scream ang ginawa ni Munch. May painted at pastel versions ang The Scream, ayon sa Wikipedia.

Dahil sa kasikatan nito, tinatayang aabot ng $80 million ang isang version nito kapag ito ay i-aunction.

Hindi po kayo nagkakamali sa presyo, $80 million o P3,440,000.000 bilyon sa palitang P43 kada isang dolyar.

Dahil sa kasikatan nito naging meme ito o isang popular art na ginagaya. Kamakailan ay ginaya ang The Scream base sa pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre noong siya ay sinesermonan ni Sen. Miriam Santiago sa idinaros na impeachment trial ni CJ Renato Corona.

Friday, March 9, 2012

Kasanayan


Here is a short video about a guy who makes banjo for a living. Kakaiba di ba?

Sa kasalukuyang panahon kasi, kapag ikaw ay nagsarili sa isang negosyo memenosin ka ng mga kaibigan, kukutsain ng mga kapamilya lalupa't  napakasimple ng bagay na iyong ginagawa pero hindi naman pinagkakaperahan ng malaki.

Sabi nga ay walang pera sa art unless na lang na pintor ka at namatay, siguradong tataas ang presyo ng iyong mga piyesa.

Sunday, March 4, 2012

Ermat

Kapag may dinaramdam ka sino ang naiisip mo  ?

Marami na kasing pagkakataon na kapag dinadapuan ako ng sakit, ang nanay ko ang naiisip ko. Automatic iyon. Naiisip ko agad si Ermat.

Sigurado kasing alam niya ang gagawain kung paano maiibsan ang nararamdaman ko. Iba talaga ang mga nanay, haplos lang ng kanilang mga palad ay parang nawawala na ang sakit na iyong nararamdaman.

Sa mga pagkakataong ganoon, mararamdaman mo kung gaano kahalaga ang iyong ina sa kabila ng mga isinusumbat nating pagkukulang niya.

Ayaw kasi natin ng pakialamerang nanay, madaldal na nanay, mataray na nanay o kaya ay istriktong nanay.

Naranasan kong lahat ito sa nanay ko. Nakikialam sa buhok ko, dinadakdakan ako kapag may mga ginawang iresponsable, tinatarayan kapag may mga pagkakamali at itinatama sa tingin niya ay wastong ugali.

Pero nong napaaway ka sino ba ang kakampi mo? Parang shock absorbers natin ang mga nanay, sila ang tumatanggap ng mga kaldag sa ating buhay di ba?