Friday, March 23, 2012

Santo Manny


Naniniwala ako na kung hindi naging boksingero si Manny Pacquiao, siya ngayon ay isang pari.

Kung hindi man siya pari ay sa hinaharap malamang na maitakda pa siyang Santo ng Simbahang Katoliko.

Naisip ko na puwede siyang maging santo ng mga boksingero, dahil napakadelikado ng sport na ito. Ilang boksingero na ba ang namatay, hindi man sa ibabaw ng ring, ay pagkaraang makipagbasagan ng mukha.


Tuesday, March 20, 2012

Fuel poverty


Sa United Kingdom, Ireland at New Zealand may tinatawag na fuel poverty na ang kahulugan ay ang kahirapan upang mapainit ang tinitirahan tuwing tag-lamig.

Dito sa Pilipinas may fuel poverty din.

Pero kabaliktaran sa mga nabanggit na bansa, maraming Pinoy ang hirap upang mapalamig ang kanilang mga bahay tuwing tag-araw.

Una ay kahit gustuhin man ng mga Pinoy na gumamit ng airconditioning, hindi nila kakayanin dahil napakamahal nito para sa pangkaraniwang Pilipino. Idagdag pa ang gagastusin mo sa kuryente at tiyak mamumulubi ka.

Sunday, March 18, 2012

Feisty Cristy

Cristy Ramos
Maraming nagsasabing si Cristy Ramos ang anak na lalaking hindi naibigay ni Ming Ramos sa kanyang asawang si dating heneral at pangulong ng Pilipinas na si Fidel Ramos.

Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.

Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.


Thursday, March 15, 2012

Ang Sigaw

Isa sa mga sumikat na prints ni Norwegian artist Edvard Munch ay ang The Scream, na isang serye ng mga expressionist paintings. Ilang version ng The Scream ang ginawa ni Munch. May painted at pastel versions ang The Scream, ayon sa Wikipedia.

Dahil sa kasikatan nito, tinatayang aabot ng $80 million ang isang version nito kapag ito ay i-aunction.

Hindi po kayo nagkakamali sa presyo, $80 million o P3,440,000.000 bilyon sa palitang P43 kada isang dolyar.

Dahil sa kasikatan nito naging meme ito o isang popular art na ginagaya. Kamakailan ay ginaya ang The Scream base sa pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre noong siya ay sinesermonan ni Sen. Miriam Santiago sa idinaros na impeachment trial ni CJ Renato Corona.