Wednesday, May 2, 2012

Summer brew


Ano ang paborito mong pampalamig kapag tag-init?

Pangkaraniwang ang sagot diyan ay ice cream, halo-halo, samalamig.

May mga makabago ring floats, smoothies at kung ano-ano pa.

Pero sa isang coffee addict na tulad ko, siyempre ice coffee.

Dati ang ginagawa ko ay nagbu-brew muna ako ng kape tsaka ko ibinubuhos sa yelo. Instant pampalamig kasama ang hinahanap-hanap kong caffeine.

Pero nadiskubre ko ang video na nasa itaas at malaking tulong sa akin kung paano ako magbu-brew ng ice coffee.

Nang mapanood ko ang video ay nabanggit kong, "Bakit hindi ko ito naisip?"

Simple nga naman. Gamitin ang drip method sa brewing ng kape at diretsong padaluyin ang katas sa yelo.

Presto, freshly brewed ice coffee!!!

Bakit nga ba hindi ko ito naisip?

Friday, April 27, 2012

Gawang Putik


Putik!

Nababanggit natin ito kapag gusto nating magmura pero may mga matatanda o batang nasa paligid.

Pero may isang putik na mapapamura ka hindi dahil may nangyaring hindi kaaya-aya, kungdi dahil maganda.

Tulad ng larawan sa itaas na mula sa PutikMade, na nalikha sa pagtutulungan nina Cynthia Vargas at Jenniefr Friend, ang mga co-founder ng pottery line na nagsimula lamang sa taong ito.

Nakabase sa Los Angeles, California ang dalawa na lumilikha ng mga sisidlan moderno at simpleng ceramic vessels para sa mga halaman.

Kung baga, ang nililikha ng dalawa ay paso.

Pero dahil sa kakaibang ganda ng kanilang mga likha, na feature na sila sa La Times Home and GArden, Dwell Product Spotlight, Almost Grown LA, Design Sponge, The Blog of Lynne Door, Duly Noted, Bungalow5 at I am not a celebrity.

Narito pa ang isang halimbawa ng kanilang likha.



Putik! Ang ganda di ba?!

Wednesday, April 25, 2012

Musika mula sa kalikasan



Natalisod ko ang video na ito habang nagse-surf. Nilikha ni Diego Stocco ang video na ito bilang bahagi sa pagdiriwang ng Earth Day.

Si Diego Stocco ay isang sound designer at composer. Kung ano-anong mga musika ang kanyang nalilikha gamit ang kung ano-anong instrumento. Maliban sa paggamit sa kalikasan, lumilikha rin si Diego ng musika mula sa mga pangkaraniwang mga bagay na ginagamit natin araw-araw. Kung nais mong mapanood o mapakinggan ang mga nilikha ni Diego, puwedeng puntahan ang kanyang website dito.

Sunday, April 22, 2012

Kawehi's music


Found this video on Vimeo and I really enjoyed it. Just sharing with you Kawehi's  passion for music.