Ipinakita ni Gabuco ang kanyang gintong medalyang napanalunan sa AIBA Women's World Championships sa China. |
Ipinakita ni Josie Gabuco na hindi na kailangang magmina sa Palawan upang magka-ginto tulad ng gusto ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) chair Manny Pangilinan.
Mag-uuwi ang tubong Puerto Princesa ng ginto medalya makaraaang malusutan ang Tsinong kalaban sa AIBA Women's World Championships finals na ginanap sa Olympics Sports Center sa Qinhungdao, China.
Tulad hirap sa pagmimina, pinagtrabahuhan nang husto ni Gabuco ang iuuwing ginto sa loob ng apat na rounds bago naitala ang 10-9 na panalo laban kay Xu Shiqi.