Wednesday, June 6, 2012

Hula ni Lolo Indo, nagkatotoo

Mukhang magkakatotoo ang hula ni Lolo Indo, ang ama ng aking yumaong tatay.

Tila propetang sinabi niyang isang araw maging ang hangin ay bibilhin at babayaran natin.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lolo noon. Ngunit ngayon naisip ko hindi naman lumaki si Lolo na may kuryente o kaya'y tubig na nagmumula sa giripo.

Noon kasi ay iniigib ang tubig at ito ay libre. Ang hangin ay libre. Pero ngayon, kapansin-pansin na kasamang ibinebenta ng mga property developers ang sariwang hangin sa mga dinedevelop na lugar o kaya'y ang malinis na tubig sa mga ilog o dagat kung saan matatagpuan ang kanilang mga dinidevelop na properties.

Wednesday, May 30, 2012

Iyakin

Iyakan blues sa balkonahe ng Korte Suprema.
Iyakin.

Ito ang ilan sa mga ibinibintang sa napatalsik na punong mahistrado ng korte suprema na si Renato Corona.

Ilang beses din kasing nagdrama itong si Corona mula noong ma-impeach.

May paiyak-iyak siya sa balkonahe ng Korte Suprema kasama ang kanyang asawa na nagpupunas sa kanyang mga luha.


Sunday, May 20, 2012

Gabuco, nagmina ng ginto sa Tsina

Ipinakita ni Gabuco ang kanyang gintong
medalyang napanalunan sa AIBA Women's
World Championships sa China.

Ipinakita ni Josie Gabuco na hindi na kailangang magmina sa Palawan upang magka-ginto tulad ng gusto ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) chair Manny Pangilinan.

Mag-uuwi ang tubong Puerto Princesa ng ginto medalya makaraaang malusutan ang Tsinong kalaban sa AIBA Women's World Championships finals na ginanap sa Olympics Sports Center sa Qinhungdao, China.

Tulad hirap sa pagmimina, pinagtrabahuhan nang husto ni Gabuco ang iuuwing ginto sa loob ng apat na rounds bago naitala ang 10-9 na panalo laban kay Xu Shiqi.

Thursday, May 17, 2012

CJ Corona: Wala akong aaminin

Sa Mayo 22, 2012 ay haharap si CJ Corona sa mga kapitapitagang impeachment court na pinapanganiwaan ni Senate President Juan Ponce Enrile, na kung hindi ako nagkakamali ay ang dating defense chief ng yumao at convicted human right abuser na si Ferdinand Marcos.

Napilitang humarap ni CJ sa impeachment court dahil kinagat ni Enrile ang hamon ng mga abogado niyang haharap si Corona kung haharap din sa korte ang mga nag-akusa na may milyong-milyong dollar account ang Punong Mahistrado.

Narito ang interview ng Wala Lang sa Punong Mahistrado sa nalalapit niyang pagharap sa impeachment court.