Maniniwala ka bang mas mapayapa pa sa Vietnam kaysa sa Pilipinas? O kaya'y mas mapayapa pa sa Indonesia at Malaysia kaysa sa Pilipinas.
Sa inilabas na ulat ng Vision of Humanity, maging ang mga bansa sa Central America na dati'y binabagyo ng karahasan ay mas mapayapa pa ngayon kaysa sa Pilipinas.
Ayon sa 2012 Global Peace Index ng Vision of Humanity, ang Pilipinas ay nasa ika-133 sa lahat ng bansa sa mundong ito kung kapayapaan ang pag-uusapan.