Pamilyar tayo sa salitang berde. Ito ay nagmula sa wikang Espanyol na Verde o Green sa English.
Maraming bagay ang associated sa salitang ito. Kapag sinabi nating kumakain tayo ng mga berdeng pagkain, ang ibig sabihin nito ay mahilig tayo sa gulay. May mga pagkakataon namang ang berde ay kaugnay ng ating kapaligiran o ng isang asosasyong nangangalaga sa kapaligiran tulad ng Greenpeace.
Minsan ang Berde ay kaugnay rin sa ating pag-iisip tulad ng kapag sinabihan kang Green Minded ang ibig sabihin nito ay may kapilyuhan kang mag-isip.
Ang Green din ay associated sa Climate Change o sa mga pagkilos na may kaugnayan kung paano mapapangalagaan ang ating kapaligiran.
Pero alam ba ninyo na may isang Green na ang tinutukoy ay "commodification" o pagbebenta ng mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kalikasan. Ang tawag dito ay "Green Economy".