Sunday, October 7, 2012

Demand peace

“If everyone demanded peace instead of another television set, then there'd be peace.” 
― John Lennon

Naalala ko si John Lennon matapos mabasa ang balita ukol sa pagkakasundo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Philippine government ukol sa isang kasunduang nawa'y tuluyang tatapos sa mga hidwaan sa Mindanao.

Sang-ayon ako sa kasunduang ito at saludo ako sa MILF dahil hindi sila nag-insist na ibalik sa kanila ang lahat ng kapangyarihang inagaw ng mga Amerikanong nag-annex sa kanilang mga lugar upang maging bahagi ng Pilipinas.

Tandaan nating hindi lubusang nasakop ng mga Kastila ang "Moro land". Bagamat nagtayo sila doon ng mga kuta upang maipakitang mayroon silang kontrol

Subalit iba ang ginawa ng mga Amerikano, marahil ay nakita nila kung paano kasagana ang lupain ng mga Moro, ay isinama ang Mindanao sa Pilipinas. Nito lamang matapos ang ikalawang digmaang pangdaigdig lubusang nasakop ng mga Amerikano at mga galamay nitong mga Pilipino ang kabuuan ng Mindanao.

Matatandaan na sumikat ang tinatawag na "juramentado" nooong panahon na sinusubukang makubkob  ng mga Kano ang mga lugar na hindi pa lubusang nasakop ng imperial USA. Ilang libong Moro rin ang nagbuwis ng buhay upang mapanatili nila ang kanilang lupain.

Pero nagbago na nga ang panahon. Hindi na rin lubusang maibabalik ang nakaraan kaya't kailangang magkaroon ng kasunduang nakabase sa kasalukuyang kalagayang panlipunan at ekonomiya.

Sana ay magtuloy-tuloy na ang biyahe para sa tunay na kapayapaan sa Mindanao. Ang kasunduan kasi ay simula pa lamang ng mahabang diskusyon kung paano maisasakatuparan ang mga napagkasunduan.

Friday, September 28, 2012

Short stories from Vimeo



Mahilig ako sa short films at habang nagse-surf sa vimeo, natalisod ko ang mga short films na ito.

Ang dalawang unang short films ay kasama sa mga promotional videos ng Red Giant. Ang ikatlo at huli naman ay isang animation.

Sana ay magustuhan ninyo.

Sunday, September 9, 2012

1081

Ngayong Setyembre, may lotto tip ako sa inyo. Tayaan ninyo ang mga numerong 10, 8 at 1. Puwede itong tayaan sa EZ2 o kaya ay sa Swertres.

Malay ninyo, sa mga numerong ito ay inyong matikman ang swerteng matagal nang inaasam-asam at kahit paano ay mabawasan ang malas na hatid ng Proclamation 1081 ni Ferdinand Marcos, ang human right violator at dating pangulo ng bansa.

Sa Setyembre 21 kasi ay gugunitain ang mapait na deklarasyon ng Batas Militar. Ito ang ika-40 taon mula nang isailalim ni "Manong" ang Martial Law, na nagpasimula ng kanyang mahigit na 20 taong pananatili sa Malakanyang.

Tumpak ang sinabi ng mga historians, hindi lahat ay nagtatagal. Sino nga ba ang makapagsasabi na babagsak ang conjugal dictatorship ni FM at FL, nawalang iba kung si First Lady Imelda Marcos.

Bago kasi bumagsak ang diktadura ni Marcos ay halos kitang-kita at damang-dama na hawak nilang lahat ang kapangyarihan sa bansa. Natatandaan ko pa ang caption sa Daily Express na nagsasabing ang mga sundalo ay sumasaludo kay FM upang ipakita ang kanilang loyalty hindi sa constitution kungdi sa diktador.

Wednesday, August 1, 2012

'Wag kalimutan, 'wag patawarin


May mga nagsasabing maikli raw ng memorya ng mga Pilipino.

Tama naman. Sino pa ba ang nakakaalala na ginahasa ng mga Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Pangmundong Digmaan. At pagkatapos nila itong gawain, ipinadala natin ang ating mga kababayang sa Japan upang doon naman gahasain. Kaya na nauso ang mga salitang Japayuki at Hosto.