Wednesday, January 16, 2013

Kapos sa creativity mga early political ads

Narito na naman ang isa sa pinakahihintay na panahon ng mga Pinoy. Hindi ito pasko, pasko ng pagkabuhay o kaya'y Araw ng mga Patay kungdi ang pinakananabikang halalan!

Katunayan, opisyal na nagsimula ang election season nitong Enero 13 na magwawakas sa June 12, kung kailan inaasahang nai-deklara na ng Comelec ang mag nagsipagwagi sa tinatawag na mid-term elections sa Mayo 13.

Dahil nasa panahon na tayo ng halalan, asahan natin ang mga political ads o commercials. Ito ay maaaring sa telebisyon, radyo at dyaryo.

Nariyan din ang mga naglipanang sasakyang may trompa at nagpapatugtog ng mga campaign jingles. At siyempre, nariyan din ang pagdikit ng mga campaign posters sa iba't ibang pader sa kapuluan. Katunayan, maging mga puno ay hindi pinaligtas at ginagamit upang makapagdikit ng mga campaign posters.

Pero siyempre, ang pinakahihintay natin ay ang mga commercials. Sino ba naman ang makakalimot sa commercial ni Sen. Manny Villar, na nagsabing siya raw ay lumangoy sa ilog ng kahirapan. Dami niyang napabilib. Kaso napatunayang peke ang kanyang pagiging mahirap at siya ay pinulot sa kangkungan.

Pinagsama-sama ko ang mga commercials ng mga kandidato sa pagkasenado hindi upang atin silang husgahan na maagang nangangampanya kungdi upang makita kung gaano ka-creative ang kanilang mga handlers

Saturday, January 5, 2013

Sablay

Akbayan Rep. Kaka Bag-ao
Pinagpipiyestahan ngayon ang diumano'y nakakaintrigang pagtanggap ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao ng responsibilidad bilang "caretaker" sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na allocated para sa Dinagat Island Province.

Unang intrigang sablay ay bakit daw si Rep. Bag-ao ang itinalagang caretaker kapalit ng nagtatagong congressman na si Ruben Ecleo Jr.

Ayon sa Inquirer.net report:


"Ecleo was removed from the list of members of the House of Representatives after the Supreme Court affirmed the Sandiganbayan’s guilty verdict on Ecleo for his role in irregularities in several infrastructure projects in San Jose, Surigao del Norte, where he served as mayor from 1991 to 1994.
He was sentenced to 18-31 years in prison and ordered to pay P2.8 million to the government.
Ecleo, a wanted man with a large bounty on his head, was also convicted last April of killing his young wife in 2002. He took over the cult, the Philippine Benevolent Missionaries Association Inc., founded by his father, after the latter died in 1987."

Tuesday, January 1, 2013

2013

Now that 2012 is behind us, maybe we could put the year's top song - Gangnam Style - behind us too. Nakakarindi na!!!


Pero kung babalikan ang 2012, ano ba ang mahahalagang pangyayari na hindi maalis sa isip mo na parang Last Song Syndrome (LSS)?

Tuesday, December 18, 2012

Pasado, Panalo, Milagro

"Wind of change," ika nga ng glam rock group na Scorpions.

Pagbabagong maganda, pagbabagong nagbibigay ng pag-asa. Ang tinutukoy ko ay ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill o RH Bill.

Siyempre, tulad ng lahat ng bago, hindi pa natin alam kung paano ang epekto nito sa ating bansa. Ang punto ay kinikilala ng batas ang karapatan ng mga kababaihan at pamilya na makapagplano. Maitakda ang laki ng pamilya upang mabigyan ng mas may kalidad na buhay ang mga Pilipino.

Sa pagsasabatas ng RH Bill, ilang bagay na matagal na nating alam ang makatotohanang tumambad sa sambayanan.

Una. Lalong gumuho ang kapit ng Katolikong simbahan sa "moralidad" ng mga Pilipino.

Hindi na takot ang mga Pilipino sa sasabihin ng mga Obispo at sa darating na panahon, sa tingin ko ay unti-unti pang guguho ang kapit ng mga "kleriko pasista" sa isipin ng mga Pinoy.