Si Leo Echegaray ang isa sa mga Pilipino na kinatay sa ilalim ng death penalty law. |
Si Hesu Kristo, kasama ang dalawang magnanakaw na pinangalanang sina Dismas at Hestas, ay tinorture muna bago ipinako sa krus at hinayaang mamatay.
Karumaldumal?
Pero, ayon kay Manny Pacquiao, sa kanyang unang talumpati bilang nahalal na Senador, sang-ayon ang Diyos niya sa pagpatay. Aniya, pwedeng patayuin sa bangko ang isang detenado, talian ng lubid sa leeg at pagkaraan ay sipain ang bangko upang masakal hanggang mamatay ang bilanggo.